Isinisiksik ko ang mukha ko sa pagitan ng dalawang umbok na dibdib sa harap ko at dinama ang init ng balat nito sa mukha ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag ganito ang umagang bubungad sa akin kaya ayaw ko ng idilat pa ang mga mata ko.
"Dada! Dada!"
Napakunot naman ako ng noo ng may marinig akong katok mula sa pintuan ko kasabay ang pagsigaw ng pamilyar na boses. Unti-unti ko namang idinilat ang mata ko kaya bumungad sa akin ang isang dibdib na kaagad ikinalayo ng mukha ko. Marahan ko ring tiningala ang mukha ko para makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng nakita ko.
Putchapeteks!
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko ng makita ko ang mahimbing na natutulog na mukha ni Sir Lucian. Kaso sa pag-upo ko, napataas ako kaagad sa puwetan ko dahil ramdam ko ang hapdi dito. Napahawak rin ako sa balakang ko na parang lumalagutok ang mga buto at pakiramdam ko mababali pa.
"Dadaaaa!"
Isang malakas na sigaw muli ang narinig ko sa labas na nanggagaling kay Skye na paulit-ulit kumakatok na mas malakas kumpara kanina. Huminga muna ako ng malalim sa sitwasyon ko ngayon. Bakit ako nandito?
"Shit," napalingon naman ako ng marinig ko ang mahinang sambit ni Sir Lucian na nagising siguro sa lakas ng boses ni Skye. Umupo siya sa kama sapo-sapo ang kaniyang ulo.
Napataas naman ako sa kumot na nasa kalahating katawan ko lang ngunit sinilip ko muna ang nasa ilalim nito. Fuck! Wala akong suot na kahit ano at higit sa lahat ang sakit ng katawan ko lalo ng ibaba ko. Teka-- Kung masakit ang ano ko, ibig sabihin ako.. ako.. ako ang.. AKO?!
"Dada! em -pen dool!"
Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang pagpihit ng doorknob kaya naman mabilis akong umikot para makababa ng kama at makapagtago. Muntikan na akong mapamura dahil sa sakit ng pagkakahulog ko na mas lalong nagpasakit sa katawan ko.
"Dada!" ramdam ko ang galit sa tono ni Skye na malapit na sa kama. Mapapadasal na lang ako na hindi ako makita ni Skye tapos ganito pa ang itsura namin ng ama niya.
"What's wrong, Skye?" tanong ni Sir Lucian sa anak niya na napakanormal lang ng tonong ginagamit niya.
Ano ba kasi ang nangyari kagabi? Uminom lang naman kami ng alak at naparami ako. Pumasok ako sa loob ng mansion, umakyat ako sa hagdan na halos gapangin ko na ang huling step, may kumausap sa akin kaya tumayo ako at may nahawakan akong dalawang malalambot na may katigasang dibdib ng babae--SHIT?! Si Sir Lucian ba 'yon?!
"Caude na don om ya lit na Caude na don -wan em." Mabilis at pasigaw ang pananalita ni Skye na hindi ko maintindihan ang sinasabi niya bukod sa nabanggit niyang pangalan ko. Nanginginig din ang boses niya na parang paiyak na ito.
Rinig ko ang malalim na paghinga ni Sir Lucian. "Can you say it slowly?" pauulit ni Sir Lucian.
Narinig ko na ang paghikbi ni Skye. "C-caude."
"Claude," pag-uulit ni Sir.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...