Pinirmahan ko ang papel na inabot sa akin ni Sir Lucian habang ipinapaliwanag niya ang mga nakalagay sa kontrata. Inabot ko rin naman sa kaniya na binigyan niya ako ng ibang kopya.
"Any questions regarding to your contract?" tanong niya sa akin.
"Wala naman po sa ngayon, Sir," sagot ko sa kaniya.
Tumango naman ito saka tinago ang papel na pinirmahan ko sa drawer ng lamesa niya. Nakatingin na lamang ito na ikipinagtatakha ko naman na.
"Lalabas na ako, Sir?" alangan ko pang tanong.
Umiling naman na ito bago umiwas ng tingin na tinuon sa folder na nasa gilid niya. "Makakalabas ka na," sagot niya kaya hindi na ako umimik pa.
Patungo na ako sa pinto ng humarap muli ako sa kaniya na nakatingin pala sa akin. "May sasabihin ka pa?"
Napakamot naman ako sa batok. "P'wede po ba akong mag-request?" may hiya sa tono ko.
"Kung leave na naman 'yan, hindi. You're not allowed to take leave this month. Use your day off to do the things you need to do," agad niyang sagot ng hindi pa ako napapakinggan sa request ko.
Bahagya akong lumapit sa lamesa niya. "Hindi naman po tungkol sa pagle-leave. P'wede po ba akong makabawi kay Skye? Ipapasyal ko lang po siya ngayong araw dahil ilang araw din po kasi akong nag-leave," paliwanag ko sa kaniya.
"Without me?"
Tumingin naman ako sa tambak ng papeles sa ibabaw ng lamesa niya na mukhang naintindihan ang pahiwatig ng tingin ko. Napabuntong hininga naman siya dahil alam niya ang sitwasyon niya sa trabaho.
"Wala ang mga bodyguards niya kasama ni Papa," problemadong sagot niya.
"Ako naman ang kasama niya. I'll make sure he's safe with me," paninigurado ko sa kaniya.
"Okay. I'll trust my son with you, Claude," payag nito kaya napangiti naman ako.
"Salamat po, Sir," pasasalamat ko na rin saka naglakad ngunit may isa pa akong nakalimutan.
"Anything?"
Walang sali-salitang lumapit ako sa kaniya. Idinantay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya at pinisil ang pecs. Na-miss ko 'to!
"Do you want to do it?" Napatingin naman ako kay Sir ng biglang magsalita.
"Yung ano po?" takha kong tanong.
Nakita ko naman na biglang nailang ito at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya na bumaling sa papel sa harap niya. "Nothing. You can leave now."
Nagsalubong ang kilay ko sa inasta niya ngunit unti-unting lumalawak ang ngiti sa labi ko at hindi ko napigilang matawa kaya napatingin siya sa akin. Siya naman ngayon ang nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...