Muli akong napabuntong hininga ng tumingin ako sa salamin habang inaayos ang buhok ko. Nakasuot ako ngayon ng suit dahil may formal party daw kaming pupuntahan kasama ang mag-ama. Kailangan ko daw sumama kasi ayaw ni Skye sumama kung hindi ako kasama. Si Sir George ang nakiusap sa akin kaya hindi rin ako makatanggi.
"Caude, em -sok," rinig ko ang boses ni Skye sa labas ng kwarto ko na kaagad niyang pagpasok.
Tumingin ako sa kaniya na nakabihis na. "Wow, Caude wapo," ngiti nitong puri sa akin.
Pinisil ko naman ang pisngi niya. "Dahil d'yan sa sinabi mo mamayang pag-uwi natin, kakainin uli natin ang candy mo," saad ko na ikinapalakpak niya. May kaunti pa kasing natitira at nakagawa ako ng paraan para hindi kami mahagip sa survillence camera.
Umupo siya sa kama ko na hinihintay akong matapos. Nang matapos ako, lumabas na kami at nagtungo na sa sala para hintayin naman ang ama niya.
"Gwapo natin ah," panunuksong komento ni Jett ng makita ako patungo sa kanila.
"Papa-autograph ba kayo?" mapaglaro kong sagot na ikinatawa nila habang umiiling.
Hindi naman katagalan ang paghihintay namin dahil bumaba naman si Sir Lucian, suot ang kaniyang black tuxedo kapareho ng kay Skye. Nakatingin ito sa akin na mapang-asar na nginitian ko lang. "Gwapo mo, Sir Lucian. Mukhang may popormahan po kayo sa pupuntahan natin," paninimula ko sa kaniya.
Napansin ko ang paglingon sa akin nila Jett at Enzo na siyang maghahatid sa amin kaya nandito sila pero hindi naman sila nakabihis ng pormal, as usual na uniform ang suot nila bilang body guard.
Sasagot na sana ito ng may matinis kaming boses na narinig kaya napalingon kami sa gawing pintuan. Si Sir George kasama ang isang matandang babae, "Skye, my apo. Lola's here!" sigaw nito habang nakataas ang kamay na nakaharap kay Skye.
Tumakbo naman si Skye papunta doon sa Lola niya na kaagad siyang pinugpog ng halik at binigyan ng mahigpit na yakap. Napatingin naman ito sa akin at biglang naglaho ang ngiti, "Ikaw ba ang bagong speech therapist ng apo ko? " nagmamalditang tanong niya.
May pagmamanahan pala si Sir Lucian sa ugali niya. "Oho, Madam" magalang kong sagot.
Tiningnan niya ako mulo ulo hanggang paa. "Hmph. Well, I hope you're good at what you do. My husband has been talking about you, but I'll reserve my judgment until I see some results." Pananalita palang mag-ina nga sila.
"I understand,Madam," ngiting sagot ko at pinapanatili ang composure ko sa harap niya.
Napatingin naman ako kay Sir George na humihingi ng paumanhin ang mukha sa inasta ng asawa niya pero nginitian ko lang rin siya. Nagsabay-sabay na kaming lumabas at sumakay sa kotseng gagamitin namin. Bale sa harap ay sina Jett at Enzo, sa likudan nila ay ang magulang ni Sir Lucian at kaming tatlo naman ay nandito sa pinakalikuran.
"I sent you an email. Have you even bothered to look at it?" biglaang pananalita ni Madam.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...