Magkakasama kami ngayong magkakaibigan. Kumakain sa usual naming tambayan kapag may pag-uusapan kami. Wala namang ganap pero nagkaroon kami ng time para magkita-kita.
"Himala ata hindi ka na namin nababalitaang nambababae?" tanong ni Ezra sa akin bago hinigop ang iniinom niya.
"Bakit?" Nagtatakhang tanong naman sa akin ni Blake.
"Na-trauma ata sa nambintang sa kaniya ng harrasment," dagdag pa ni Eiji na ikinatawa nila.
"Nagbabagong buhay na ako kasi pagod na akong pagbigyan palagi ang mga humahabol sa akin. Lalaki rin akong nanghihina," prente kong sagot sa kanila kaso mas lalo nilang ginatungan ng tukso.
Napuno ng tuksuhan at mga kwentong walang saysay natapos ang pagkikita naming magkakaibigan. Nagpaalam na kami sa isa't isa na ako naman balak umuwi sa mansion para kuhanin ang susi ng kotse ko at condo na naiwan sa loob ng bag kong dala.
Susulitin ko ang mga araw na wala ang mag-ama habang nasa bakasyon. Balik muna ako sa dating ako. Wala namang nagbabantay sa aking mga mata kaya makakagalaw ako ng malaya.
"Oh, ba't nandito kayo?" Nagtatakha kong tanong ng makita ko ang mga bodyguard ni Skye sa labas ng mansion. Ang alam ko kasama sila.
"Sinumpong si Skye. Biglang ayaw sumama ng hindi ka kasama," sagot ni Ivy.
Nagmadali akong pumasok hanggang sa makarating ako sa sala. Kita ng dalawang mata ko ang umiiyak na nakayukong si Skye habang nakapameywang sa harap niya ang Daddy niya na mukhang pinapagalitan siya.
"You already talk to Claude, and you promised that you will be join with us without him. Why do you acting like that?" sermon ng Daddy niya.
Hindi sumasagot si Skye na tanging paghikbi lang ang ginagawa. "Skye," tawag ko kaya pareho silang nalingon sa gawi.
"Caude..." Lumapit sa akin si Skye na parang inapi ang itsura. Yumakap ito sa hita ko na dinukdok ang mukha.
Napatingin ako kay Sir na hilot-hilot ang noo na mukhang problemado sa nakikita. "Why are you here?" kunot noong tanong niya.
Oo nga pala. Oras ng trabaho ko ngayon sa iba ko pang amo. Akala ko kasi wala sila kaya umuwi muna ako dito.
"Kukuha lang po sana ako ng gamit ko dahil balak kong doon muna mag-stay sa isa kong amo habang wala kayo," pagrarason ko.
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinagot ko. "W-what?"
"Claude, ikaw sama..." singit ni Skye sa usapan namin kaya sa kaniya ako nabaling. Minsan may tiempo rin itong si Skye.
Lumuhod naman ako sa harap niya at pinunasan ang mukha niyang basang-basa na ng luha. "Kahit gusto ko, hindi p'wede talaga."
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...