Mabilis akong lumabas ng school kung saan mag-aaral si Skye ngayong taon. May kaba man sa mukha niya, mas nangingibaw ang excitement lalo pa't hindi niya na makikita ang mga classmates niya before.
Sumama ako sa paghatid sa kaniya kasi alam ko na hindi papasok si Skye na hindi ako kasama. Kaso iniwan ko naman siya kasama ang Mommy at Daddy niya. Nakisuyo sa akin si Amanda kung p'wede ay ma-solo niya ngayong araw si Sir Lucian at Skye. Balak daw niyang ipasyal para magkaroon man lang memories siya with them.
Syempre ako sumang-ayon naman sa gusto niya lalo pa't kasabwat din si Madam. Siya na daw ang magpapaalam sa akin na may ipapagawa bilang palusot kaya naman ngayong araw ay parang day off ko na rin.
Umuwi na lang ako sa amin kasi wala akong ganang gumala kung saan. Dapat hindi ko 'to nararamdaman dahil alam ko sa sarili ko na pinipigilan at napigilan ka na may maramdamang higit pa sa kasunduan namin ni Sir noong una. Kaso ang bigat na alam kong magbabago na ang lahat simula ngayon.
"Claude, my dear!" Sumalubong sa akin si Mommy kasunod ang Daddy na mukhang papasok sa trabaho.
Yumakap siya sa akin sabay halik sa pisngi ko. "What's wrong?" tanong nito na may pagtatakha sa mukha niya.
"May nangyari ba sa'yo na hindi maganda?" dugtong pa ni Daddy.
Umiling ako bilang sagot. "Wala naman po. Medyo masama lang po pakiramdam ko dahil sa hang over. Naparami po kasi ng inom kagabi," pagdadahilan ko na hindi naman totoo.
Hinampas ako ni Mommy sa braso. "Ikaw bata ka, bawas-bawasan mo ang pag-iinom mo. Tumaas ka na sa kwarto mo at padadalhan kita ng gamot."
Matamlay akong tumango sa inutos niya bago naglakad sa patungo sa kwarto ko. Mabilis kong inihiga ang katawan sa kama ko at nakatitig lang sa kisame. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam kong ang paninikip nito.
Hindi ko naman dapat ito dapat maramdaman 'di ba? Ang pakiramdam ko ay inaagaw sa akin ang bagay na hindi naman sa akin.
"Claude," lumingon ako sa pintuan kung saan nagbukas ito na ibinungad sa akin si Mommy na may dalang tray. Nakapatong ang isang basong tubig, gamot, at prutas.
Lumapit siya sa higaan ko na ipinatong sa nightstand ang dala niya, na siya namang pag-upo ko. "Would you like to talk about your problem?" upo nito sa tabi at binigyan ako ng sinserong ngiti.
Ngumiti ako sa kaniya. "Wala naman po akong problema. I'm just not feeling well lang po."
Kinurot naman nito ang pisngi ko kaya naglaho ang ngiti sa labi ko. "Claude, kilala kita. Hindi mo ako madadaan sa ngiti mo. Kung ayaw mo ay hindi kita pipilitin pero nalulungkot ako na nakikita kang ganiyan. Hindi ako sanay na makita ang nagpapasaya sa pamilya natin na malungkot."
Napayuko ako. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang itatanong ko sa kaniya. Kasi pati ako ay naguguluhan sa nangyayari at mas lalo sa nararamdaman ko.
"Hindi muna po," saad ko na lang na tinanguan ni Mommy na siyang pagbaling sa akin.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...