𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 35

4.4K 187 64
                                    

     Ngayong araw ang taping ng Quick Case Show. Pumayag si Skye ng malaman niya na one day lang naman ako mawawalay sa kaniya, pero ang daming bilin sa akin. Akala mo naman hindi na ako uuwi sa kanila.


"Claude, dito tayo. I'll introduce you to the people you'll be working with on the show before we start," aya sa akin ni Letlet 


Tumungo na kami sa set kung saan nakikita ko na abala pa ang mga staff sa kaniya-kaniyang gawain. Naglakad kami patungo sa mga cast members ng show na nagkekwentuhan, may mga di-pamilyar na mukha na sa tingin ko ay kasamahan ko bilang guest.


"Good morning," kuha ng atensyon ni Letlet sa kanila kaya napatingin ito sa amin...sa akin exactly. "Siya ang huling guest ninyo na makakasama sa show, Claude Cariaga. He's a commercial model, and you might recognize him from a few billboards and magazines."


Ngumiti ako sa kanila bilang panimulang bati. "Hello, it's nice to meet and work with everyone. Eto po ang unang appearance ko sa isang TV show," saad ko sa kanila.


Masaya rin naman nila akong binati at nagpakilala, ganon din ang kasamahan kong dalawang guest— isang singer at ang ang isa ay content creator.


Sandaling nagkwentuhan at nagtanungan hanggang sa kuhanin na ng isang staff ang atensyon namin.


"Everyone, we're starting soon. Please stand by," one of the staff called out. Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil magkakahiwalay ang tatlong grupo.


I took a deep breath and mentally prepared myself. Claude, kaya mo 'to!


     Napahawak ako sa braso ko at pinaikot-ikot ito dahil ramdam ko ang pananakit dahil sa nangyaring aksidente kanina sa taping. Hindi naman grabe pero sadyang nasaktan lang ako.


"Claude," a voice called, stopping me mid-step.


"Hello, Ms. Sandy," I greeted her with a smile.


Isa sa original cast ng show, at kilalang-kilala at magaling na artista. May mga napanood na akong ibang palabas niya, pero hindi ko aakalain na ka-edaran ko lang siya. Sa tagal niya na kasing artista, akala ko mas matanda siya sa akin.


"Are you sure you don't want to go to the hospital?" tanong niya na may tono ng pag-aalala.


Muntikan na siyang mabagsakan ng mga kahoy na nakalagay sa set habang namamahinga kami. Sakto namang ako ang malapit sa kaniya, at kusa na lang kumilos ang katawan ko para maharangan ko siya kaya sa akin bumagsak na tumama sa balikat ko.


"Ayos lang po ako," ngiti kong sagot sa kaniya. "Kayo po ba? Wala pong tumama sa inyo?"


Umiling naman siya kasunod ang pag-abot niya sa isang paper bag. Napatingin ako dito sunod sa kaniya. "Small gift lang sa pagtulong mo sa akin."


"Hindi na po kailangan," tanggi ko kaagad kaso kinuha niya ang kamay ko at isinabit ang handle ng paper bag.


Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon