𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 8

5.8K 191 52
                                    

     Marahan kong idinilat ang mata ko ng may maramdaman ako mabigat sa bewang ko. Madilim pa sa labas at ang nagbibigay liwanag lang sa kwarto ay ang lampshade sa ibabaw ng nightstand na nasa gawi ni Sir Lucian na mahimbing naman na natutulog. Napakusot ako sa mata ko dahil inaantok pa ako pero kailangan ko ng bumangon. Baka madatnan pa kami ni Skye dito sa loob ng kwarto ng Daddy niya na mahirap mag-explain kung sakali.


Marahan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko saka bumaba na kaagad akong napaupo. Hindi naman masakit tulad noong una pero grabe parang mababali ang balakang ko. Tiniis ko na lang ang sakit saka tahimik na pinulot ang mga damit ko at sinuot. 


"Where are you going?"


"Ay kabayo!" bulalas ko.


Lumingon ako kay Sir Lucian na namumungay pa ang mata sa pagkakagising. "Babalik na po ako sa room ko bago pa tayo maabutan ni Skye," direktang sagot ko. 


Sumandal ito sa headboard ng kama kasabay ang pagsuklay ng mga daliri sa buhok niya. Napakagat naman ako sa labi ko ng makita ko ang paboritong parte ng katawan niya na naka-expose. Well, sa babae dibdib talaga ang pinakagusto ko at hindi ko aakalain na ganoon rin ang preference ko sa lalaki. 


"Claude, are you okay?" Muli akong bumalik ng pagtingin sa mukha niya. 


Ngumiti naman ako sa kaniya at nag-thumbs up pa. "Yes, Sir Lucian," tugon ko. 


Lahat ng nangyari sa amin kagabi was just sex, nothing more and nothing less. Alam ko simula ngayon ay hindi ako makukuntento pero hindi tulad sa mga dati  kong naikakama, hindi ko sila inuulit. Sa ngayon kay Sir Lucian muna ako magfo-focus but I want to explore things. If this is something I really want or because this is new for me. I know I'm not a person who sticks to only one. At wala rin sa bokabularyo ko ang salitang magseryoso.


"Mauna na po ako," pagpapaalam ko sa kaniya na hindi na hinintay na magsalita pa siya.


Naglakad na ako patungo sa pintuan ng may maalala ako kaya bumalik ako. Kita ko ang pagtatakha sa mukha niya ngunit ng makalapit ako sa kaniya ay pinisil ko ang specs niya. "Good morning," bati ko bago tuluyang lumabas. Pampagana ko man lang para sa araw na ito. 


Pagkapasok ko sa kwarto ko, sinimulan ko na ang mga dapat kong gawin sa araw na 'to hanggang sa mag-ala sais na. Sakto ang pagkatok ni Skye sa pintuan ko na nagbukas at sinalubong ako ng yakap ng makita niya ako papunta sa kaniya. Nakaligo na rin ang ama niya na nasa labas ng kwarto ko at mukhang may pasok na. 


"Good morning," bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya dahil nabati ko naman na siya kanina. Naglakad na kami ni Skye ng sabay papunta sa dinning area kasabay ang ama niya.


Wala ng ilangan na nangyayari sa aming dalawa dahil habang nasa bakbakan kami kagabi, nilinaw ko na ang meron sa amin. We both know that we're on the same page—that our connection is purely driven by our mutual desire for physical satisfaction.



"No string attach, this is just a sex," sabi ko ng humiwalay ako ng halik sa kaniya habang hinuhubad ang suot kong damit.

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon