Naalimpungatan ako ng may nararamdaman akong kung anong gumagalaw sa ibabaw ng tyan ko. Bahagya kong idinilat ang aking mata, nakita ko si Skye na nakapatong ang ulo sa akin habang nagbabasa ng libro.
Nakaunat ang braso niya paitaas habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang libro. Nakadekwatro pa ito habang ginagalaw ang paang nakataas. Komportable sa pwesto niya ngayon.
"Nagising kita, Papa?" Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin.
Umiling ako. "Oras na ng gising ko," sagot ko, at ngumiti sa kaniya.
Nagulat naman ako ng lumapit siya, lalo na ng itapat niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. Naniningkit ang mga matang direktang nakatingin sa mata ko. "Did you cry? Namamaga po 'yung eyes mo," nag-alala niyang pansin.
"Hindi. Puyat lang ako dahil may inihahanda lang ako para sa gagawin kong shoot," pagrarason ko.
"Kaya ka dito natulog?" muling tanong niya.
"Oo, ayaw ko kasing maistorbo ang Daddy mo," paniniwala ko sa kaniya.
Hindi na ito nagtanong pa at nag-iba na ng pwesto. Nakadapa habang nakapangalumbabang binabasa ang aklat na ipinatong niya sa ibabaw ng unan. I watched him in silence, and once again, my thoughts drifted back to the conversation I'd had with his father.
If I wasn't going to be part of his future, I wouldn't get to watch Skye grow up. Baka hindi ko pa maabutan na maka-graduate siya ng elementary, o kaya high school. Hindi ko siya masusuportahan sa kurso na gusto niyang kunin sa college, at mabili ang mga bagay na gusto niya.
"Mahal," may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa akin.
Napagusot ako sa mata ko at tuluyan ng bumangon. Naglakad sa gawi kung nasaan siya ngunit hindi para kausapin siya, kundi ang lagpasan siya. Nakaharang kasi siya sa pintuan kung saan ako lalabas para makakuha ng damit pamalit na nasa kabilang kwarto.
"Claude," he called my name, following behind me as I walked.
"If this is about yesterday's topic, I don't want to hear anything right now," I said, entering our bedroom. Sumunod siya sa pagpasok ko.
Dinig ko ang paghinga niyang nang malalim. "Then when are we going to talk about this? If there's something we need to address, we should—" Nahinto siya sa pagsasalita ng humarap ako sa kaniya.
"Ipapamukha mo ba uli sa akin ang pinag-usapan natin kagabi?... n-na ayaw m-mo akong pakasalan." I struggled to get the words out, especially the last part, but speaking felt difficult.
Tumalikod ako kaagad at nagtungo sa closet para kumuha ng damit.
Pakiramdam ko may malaking nakaharang sa lalamunan ko habang pinipilit na hindi maiyak. Ayaw ko na magmukhang desperado sa harap niya. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya. Kaso kailangan ko rin ng panahon para tanggapin ko ang desisyon niya na hanggang dito na lang ang relasyon namin... na makuntento na lang ako sa kaya niyang ibigay.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...