Hindi ako pinapansin ng mag-ama!
"Skye," tawag ko kay Skye na abalang naglalaro dito sa playroom niya pero hindi man lang niya ako nililingon.
Ilang araw niya na akong hindi pinapansin. Ang rason ko para lumipat ng bahay ay para makapag practice ako na hindi ko na nagawa dahil sa oras na natapos ang klase ko, diretso ako sa mansion. Sinusuyo siya ngunit hindi niya ako kinikibo.
Kapag may session kami, hindi siya nagsasalita. Hindi na rin kami namamasyal dahil ayaw niyang sumama. Kaya paano siya mag-iimprove kung ganito siya sa akin? Buong maghapon pa naman kami at balak ko na ngayong pumunta kami ng children's museum pero paano kami aalis kung hindi niya ako iniimik.
Napahinga ako ng malalim. "Are you still mad?" tanong ko sa kaniya.
Napansin ko ang paghinto niya sa pagbui-build ng lego niya ngunit kaagad niyang pinagpatuloy na hindi ako sinasagot. Sinubukan kong hawakan siya pero umiwas siya na dinala pa sa ibang pwesto ang nilalaro niya at doon nagpatuloy sa paglalaro. Napauwang lang ang bibig ko sa naging reaksyon niya.
Hindi ko na siya pinilit. Binigyan ko muna siya ng space na kinakailangan niya dahil ayaw kong mas lalo siyang magalit sa akin. Pinapanood ko lang siyang maglaro na mag-isa hanggang sa may kumatok sa pintuan namin. Nagbukas ito at bumungad sa akin si Sir Lucian na mas maaga ang uwi kahit half day ang pasok niya.
"Why aren't you in his study room?" tanong niya sa akin.
Doon lang napansin ni Skye na dumating ang ama niya kaya naman tumayo na ito at naglakad papunta sa Daddy niya. Ngunit kapansin-pansin na walang itong kabuhay-buhay kumpara sa dating pagsalubong niya sa ama niya. Kinarga siya na kaagad inihiga ang ulo sa balikat.
"Paano po kami magse-session kung hindi niya po ako pinapansin?" may tono ng pagrereklamo ang boses ko pero mas nangingibabaw ang pag-aalala.
"Skye, we've already discussed this." Sa anak niya na siya bumaling na hindi rin siya iniimikan.
Bumuntong hininga ito bago bumaling ng tingin sa akin. "Huwag muna kayong mag-session ngayon," saad nito.
"Ilang session na po ang napupurnada sa amin at halos magkakasunod-sunod na po," may laman ng pagtanggi ang sinabi ko.
"So, how will you proceed with Skye's sessions if he continues to behave this way? Let me speak with him, and I'll give you my permission to skip your session with him today, allowing you to do whatever you want instead. Mamasyal ka with your girlfriend or ayusin mo ang apartment mo," mahabang litanya nito ngunit napalukot ang mukha ko sa nabanggit niyang girlfriend.
Kung ano-ano ng iniimbento na lang na dahilan para mawala ako sa paningin niya. See, pati siya iniiwasan akong makita. Mag-ama nga sila.
"Sa kwarto na lang po ako kung sakaling mag-iba ang isip ni Skye," tugon ko.
Lumabas na ako sa playroom at nagdiretso sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at inabala ang sarili sa pagce-cellphone. Nag-s-scroll ang mga daliri ko pero ang isip ko iba ang iniisip. After ng session ko ngayong araw sa kaniya, diretso na akong uwi sa amin dahil bukas ang una't huling practice ko para sa assessment ko. Isa pa naman ako sa unang sasabak ng assessment namin.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...