Ngayong araw ang pagkikita ng mga magulang namin. Hinihintay ko ang text mula kay Lucian kung malapit na sila. Sabi ko nga sasabay na ako sa pagpunta sa kanila dito sa amin kaso mas maganda daw kung nandito ako sa sarili naming bahay.
Kumpleto ang pamilya ko, pati mga pamangkin at asawa ni Kuya Claudio at Ate Claudia ay narito rin kaya siguradong magugulat sila sa dami ng kamag-anakan ko. Main family members pa lang 'to, bukod pa sa mga Tito at Tita ko. Baka makabuo na kami ng isang barangay.
"Kuya Claude, malayo pa sila?" tanong sa akin ni Claudean na mukhang naiinip na rin.
Kita ko naman na excited sila na makita at makausap si Lucian. Hindi ko muna rin ipinapaalam na may anak na siya para naman may panggulat ako.
"Wala pang text," sagot ko saka isinandal ang ulo ko sa inuupuan ko. "Nasaan pala sina Mommy at Daddy?" Hindi ko pa sila nakikita kanina pa.
Mas excited pa 'yon kaysa sa akin kahit na nakilala na nila ito.
"Kami ba ang hinahanap mo?"
Napalingon naman ako mula sa likuran ko. "Mommy! Daddy!" Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko ng makita ko ang magulang ko.
Pumaibabaw kaagad ang pagkahiya ko. "Magpalit kayo ng damit. Ano ba sa tingin niyo ang meron ngayon, awarding? Simple dinner lang ang binanggit ko sa kanila pero sa suot niyo parang a-attend kayo ng gala," sabi ko kaagad sa kanila ng makita ko ang suot nila.
"Ano bang masama sa suot namin? Gusto lang namin na maging presentable kami," rason pa ni Mommy.
Bago pa sila tuluyang makababa, tumakbo ako papalapit sa kanila at tinulak sila pataas. "Mamili kayo ng ibang damit. Hindi 'yan!" tutol ko sa gusto nila.
Naka-tuxedo ang Daddy, samantalang si Mommy ay naka-long gown pa na kumikinang-kinang pa. Nakapa-oa ng suot nila.
"Ay naku! Nakakahiya sa bisita natin kung hindi kami nakaayos ng damit," hirit ni Mommy.
"Mas nakakahiya kung ganiyan ang damit niyo. 'Yung simple lang. Yung hindi kumikinang," tugon ko sa kanila.
Hindi na umapela pa silang dalawa at tuluyan ng tumaas. Napabuntong hininga naman ako at bumalik sa pagkakaupo ko sa couch kung saan natatawa mga kapatid ko.
"Naalala ko tuloy nang first time kong na-meet sina Mommy at Daddy parang aatakihin ako sa puso," napatingin ako kay Kuya Nico, asawa ni Ate Claudia, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Bakit ano ginawa nila Daddy?" usisa ni Claudan.
Tumawa ito saglit at napatingin sa akin. "May kasamang isang batalyon ng mga lalaki na may dalang malalaking baril. Nawalan ako ng dugo ng makita ko 'yon, akala ko katapusan ko na. Ginawang panakot sa akin na kapag daw sinaktan ko ang unica hija nila, 'yung bala ng mga baril na nakasukbit sa mga kasamahan nila ang tatama sa katawan ko."
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...