𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 12

5.5K 168 52
                                    

Kanina pa ako dito nakaupo sa harap ng lamesa ng pulis na kanina pa rin nakatitig sa akin kahit hindi ko ito lingunin. Panay ang tuktok niya ng hawak niyang ballpen sa ibabaw ng lamesang pumapagitna sa amin na parang inip na inip. Sa tuwing palihim ko siyang tinitingnan, binabato niya ako ng masasamang tingin. 


"Claude," pamilyar ang boses na tumawag sa akin kaya napatingin ako. Ligtas na ako!


Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Sir Lucian papalapit sa pwesto ko. Seryoso, palagi naman, ang kaniyang tingin sa akin na ibinaling sa pulis na hindi nagbabago. Medyo nagtatakha ako dahil parang kilala na nila ang isa't isa sa paraan ng pagtingin nila at wala man lang bumati sa kanila.


"Nagha-hire ka na pala ng adik," bungad ng pulis kaagad kay Sir.


"Hindi nga ako adik," sabat ko kasi paulit-ulit na lang.


Pinandidilatan na naman niya ako ng mata at dinampot ang folder sa gilid niya na mukhang ipupukpok na naman sa akin kaya napatakip ako sa ulunan ko. Mabobo na ako nito sa kakapalo sa ulo ko.


Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Sir Lucian kaya sa kaniya ko binaling ang tingin ko. "What brings you to a place like that?" dismayado niyang tanong.


"Kasi po..." Ano ba ang magandang dahilan kung bakit ako nagpunta sa isang gay bar? Syempre hindi ko p'wedeng sabihin na manlalalaki ako lalo pa't kaharap ang pulis na 'to. Saka hindi naman natuloy kaya hindi ko na kailangang sabihin.


"Ano pa ba ang rason niyan kung bakit pupunta sa ganong gay bar? Kung hindi drugs ang hanap, sex ang habol niyan," epal ng pulis.


"First time ko lang pumasok sa isang gay bar. Na-curious lang ako kaya sinubukan ko. Kaya ako nandoon sa taas dahil sinundan ko ang nagnakaw sa wallet ko na libong beses ko ng pinapaliwanag sa'yo. At kung sex ang habol ko, sus! Kahit hindi ako mag-gay bar, may malalandi akong kahit sinong gusto ko. Mapanghusga kang nilalang ka," mahabang litanya ko na may dagdag-bawas ng rason.


Medyo hiningal ako doon pero nakita ko ang pag-amba niya ng folder niyang hawak kaya napatayo at napatabi na ako kay Sir Lucian. Pinanlisikan niya lang ako ng mata dahil hindi niya ako nasaktan.


"Papalagpasin ko ito pero sa oras na mahuli ko uli siya, diretso na 'yan sa bilangguan," bumaling na siya kay Sir Lucian.


Tumayo ito at may kinuha sa drawer na papalakad sa pwesto ko kaya naman umikot ako sa kabilang gilid ni Sir. "Gusto mong umuwi ng gan'yan?" inis nitong pinakita ang susi ng posas sa kamay ko.


Ngiting iniharap ko sa kaniya ang kamay ko na hinila niya kaya naman napa-aray ako. Ang init ng dugo ng isang 'to.


"Kuya Asvin," pananalita ni Sir Lucian sa mahinahong paraan na may diin na tawag na ikinahinto ng pulis sa pagtanggal ng posas sa akin at napatingin sa kaniya.


Salit-salitan ang tingin ko sa dalawang nasa harap ko. Mukhang hindi nagkakalayo ang edad nila kung ibabase ko sa itsura nila. Siguro ang isang 'to ay nasa late thirties or early forties kaya Kuya ang tawag niya. 

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon