𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 29

8K 237 128
                                    

     Binuksan ko ang tv sa may living area at nilagay sa channel na sinasabi ni Sir Lucian. It's been two weeks since I let him do what he wants with those three. Hindi na ako nangialam sa gusto niyang mangyari.


"Good afternoon, I'm Melanie Sanchez, and this is an exclusive news report.

In a significant breakthrough, local authorities have successfully apprehended the leader of a notorious Kidnap for Ransom gang, Mr. Guo, along with his girlfriend and other members, who were taken into custody earlier today."


Hindi kaagad ako nakapag-react sa narinig ko mula sa tv. Nahuli na sila?


Kita ko na pilit nilang tinatakpan ang mga mukha nila samantalang ang mga media sa paligid nila ay gumagawa ng paraan para makuhaan ang pagmumukha nila.


Isa na sa nakita ko ay si Amanda na sinisiksik ang pagmumukha sa likod ni Mr. Guo. Tinatanong siya ng mga reporters pero hindi niya ito sinasagot.


Ngayon mahihiya siya sa mga kademonyohan niya. Paano pa kaya kapag nalaman nila na sarili niyang anak pinakidnap niya para sa pera.


"Several victims have already filed their cases at the police station, with more expected to come forward soon.

This capture marks a significant step towards ensuring public safety and brings relief to the victims and their families..."


Napangiti ako sa nakita at narinig ko. Sa wakas naman, nahuli na sila! Sana nga lang hindi na sila makatakas sa kulungan dahil sa oras na makawala sila, ako ang kakaharapin nila.


"Ang saya naman ng anak ko. May date ka?"


Hindi ko napansin ang pagdating ni Mommy dahil abala ako sa panonood ng tv.


"Opo," sagot ko. "Sa Lunes na po ako uuwi, Mommy. Sa kanila ako matutulog," dagdag ko pa.


"Hoy, Claude. Baka nagmimilagro kayong dalawa. Alalahanin mo ang katawan mo kailangan mong bumalik sa Lunes sa doktor mo. Baka nakakalimutan mo." Hindi maprenong bibig ni Mommy.


"Ganoon ba ang tingin mo sa akin, Mommy?" May pagtatampo sa boses ko pero kunyari lang.


Walang pagdadalawang isip itong sumagot agad. "Oo naman, anak. Eh, noon nga iba-ibang babae ang nalalaman naming ikinakama mo sa loob ng isang linggo, paano pa kaya ngayon na may label na. To take note na ang tagal naming walang nababalitaan sa'yo at idagdag pa na ang tagal mo ring nabakante kaya tigang--"


"Mommy!" suway ko na dito baka kung saan mapunta ang sasabihin niya, na siyang pagtawa niya nang malakas. "Aalis na nga ako," paalam ko na dito at naglakad.


"Nagjo-joke lang naman ako, dear. Kailan mo ba kami ipapakilala sa kaniya?!" rinig ko ang pagsigaw niya.


"Hindi!" sagot ko sa kaniya bago ko isinara ang pinto.


Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon