𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 40

2.6K 190 38
                                    

      "How's Skye? Has his fever come down?"


"Still the same." Napabuntong hininga ako sa sinagot ni Lucian. "But please, don't worry too much, mahal. Go enjoy your time with your friends. I'll take care of him here."


It wasn't that easy. He knew I couldn't just let go of my worry, lalo pa't alam ko na hindi ayos ang pakiramdam ni Skye nang umalis ako. Mas mahirap sa akin na huwag mag-aalala dahil ang layo ko sa kanila.


"After ng kasal ni Eiji, uuwi ako kaagad. Please tell Skye that, and make sure he knows I'll be there the next day. Mamamasyal kamo kami," I reminded him. 


"Okay, I'll tell him. Now go enjoy yourself. Take care, and I love you."


"I love you too. And promise me you'll stay home with him, no work, until he's fully recovered."


"Promise. I won't go anywhere, don't worry. Bye," he said, and the call ended before I could say more.


Muli akong napabuntong hininga bago ko ibinaba sa coffee table ang cellphone ko. Gusto ko mang e-enjoy ng buong araw ko ngayon, hindi ko maiwasan na mag-alala. Ito ang unang pagkakataon na wala ako sa tabi niya habang may sakit siya. 


"Is Skye's fever still high?" Napatingin ako kay Blake na kakalabas lang ng banyo.


Sumandal naman ako sa inuupuan kong couch, tinuon ang tingin sa TV. "Ganoon pa rin pero kapag tumaas pa uli, baka dalhin na nila sa ospital," sagot ko, na hindi ko maitago ang pag-aalala sa tono ko.


Umupo si Blake sa katabi kong couch. "Poor kid. Kids look so helpless when they're sick."


Napatango ako, naalala ko ang itsura ni Skye nang magpaalam ako sa kaniya. Nakahiga siya sa kama niya na balot na balot ng kumot dahil sa panlalamig at umiiyak. Nagtatampo na aalis pa daw ako kahit may sakit siya. 


Dapat nga kasama silang mag-ama pero minabuti na lang na hindi na dahil sa kondisyon niya. I had almost canceled my trip to stay with them, even called Eiji to apologize for missing his big day. But Lucian had insisted I go without them, saying that it was a once-in-a-lifetime event. He was right, but it still felt wrong not being there with Skye.


Nakakalungkot lang talaga dahil excited pa naman si Skye na bumisita dito sa Japan. Nilista niya na ang mga pupuntahan namin pero napurnada pa.


"Huwag ka ng mag-alala dyan dahil nandoon naman si Lucian para alagaan ang anak niyo," saad pa ni Blake.


Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit papaano nadi-distract ako sa mga naiisip ko dahil kasama ko si Blake dito sa kuwarto ko. Hindi naman talaga kami magkasama sa iisang kuwarto pero dahil wala pa si Garret, at susunod na lang daw kaya nandito siya kasama ako. 


"Kayo ni Garret, walang balak mag-anak?" pag-iiba ko na ng usapan namin.


Taas-kilay nito akong tiningnan. "Mukha ba akong mabubuntis?" pilosopo nitong sagot.


Bahagya akong napatawa. "Hey, you never know. Malay mo ikaw ang unang lalaking mabuntis," balik sagot ko sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon