Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto. Hinihintay ang pagbalik ni Sir Lucian mula sa kaniyang date na hanggang ngayon wala pa. Kanina pa nakatulog nga anak niya.
Hindi ako mapakali kaya naman kinuha ko muna ang lighter at sigarilyo ko na naisama ko pala sa mga gamit ko. Mabuti na lang hindi nakita ito ni Sir kung hindi sandamakmak na sermon na naman ang naabutan ko.
Lumabas muna ako na malapit lang rin sa tinutuluyan namin. Sinindihan ang sigarilyo at hinigop ang dulo nito saka ibinuga ang usok. Hindi ako mapakali dahil baka may nangyari na doon sa dalawang 'yon. Kung meron man, aba syempre may karapatan akong magalit. Nagalit nga siya sa akin no'ng pumunta lang ako sa gay bar kaya dapat pantayan ko rin yon.
Humigop mula ako sa hawak ko. "Hindi mo ba nakikita ang sign?" Napalingon ako sa nagsalita at ang usok na dapat kong ibubuga ay nalunmyok ko kaya naman napaubo ako.
Tiningnan ko ang tinutukoy niya kaya naman napapatay ako sa baga at tinapon sa malapit na basurahan sa akin. Hindi ko man lang naramdaman na dumating siya.
"Lucian hates smoking," pananalita pa ng pulis at nakapamulsang nakatingin sa harap namin kung saan nakikita ang karagatan ko.
Nagtatakha akong nakatingin sa kaniya ngunit bago pa siya lumingon ay tumingin ako kaagad sa harap ko. "Alam ko po. Kaya nga dito ako sa labas naninigarilyo."
Wait... Bakit niya pala sa akin sinasabi?
"Gaano na kayo katagal ni Lucian?" tanong nito kaya naman napatingin akong muli sa kaniya
Napataas pa ang kilay ko kasi hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. "Mag-amo po?" paninigurado ko.
Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. "Mukhang iyon ba ang ibig sabihin ng tanong ko?"
Napaisip naman ako. Kung hindi iyon, ang ibig sabihin... "Wala po kaming relasyon ni Sir Lucian," tanggi ko kaagad.
Bahagyang napakunot siya ng noo. "Mukha niyo ba akong maloloko?"
"Mukha po ba ako nangloloko?" balik tanong ko sa kaniya kaya pinaningkitan pa niya ako ng mata.
Kinaway ko ang ang kamay ko sa harap niya upang mariing itanggi "Wala po talaga."
Sandali itong napatitig sa akin. Tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo. Umiwas rin naman ito ng tingin at gumawi muli sa harap niya.
"Hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa pero sa narinig ko, mas naging kampante ang iniisip ko. At higit sa lahat, makuntento ka na lang sa kung anumang meron sa inyo ng kapatid ko. Huwag ka ng humingi ng higit pa doon," paliwanag nito bago ako nilayasan.
Napanganga naman ako sa sinabi niya at sa tono ng pananalita niya na parang isang surot sa buhay ng kapatid niya na dapat maalis na. Siraulo talaga ang isang 'yon.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...