𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 38

7.4K 245 80
                                    

     Pagkalabas ko ng ospital, nagpahatid ako kay Finn sa Correctional Institution for Women kung nasaan si Amanda. I wanted to deal with her first-get her out of my mind. She had been ruining my day for too long.


"Sa lahat ng taong dadalaw sa akin, ikaw ang hindi ko inaasahang pupuntahan ako. Kumusta na ang mag-ama ko?" bungad nito sa akin nang makalapit sa akin.


Umay akong tumingin sa kaniya. "Bakit ka hiniwalayan ni Lucian?" tanong ko kaagad. I was in a hurry and had no time for pointless conversation.


Bigla naman siyang tumawa na ikinatingin ng mga iilang may bisita na malapit sa amin. "Bakit hiniwalayan ka na ni Lucian?" Nagpupunas pa ito ng luha dahil sa tawa.


"Hindi naman. Inihahanda ko lang ang sarili ko para incase na magpakasal kami, alam ko na ang dapat iwasan ko para hindi ako matulad sa'yo," balik ko sa kaniya.


Her smile faded, and I saw her clench her teeth. That made me smile wider. Lakas mang-asar, hindi naman pala kaya.


Nagseryoso na ito, at lumahad sa harap ko. "Kailangan ko ng pera," saad niya.


I pulled out my wallet, took out some bills, and placed them in her hand, only to snatch them back before she could grasp them. "I don't trust you. Sagot muna," turan ko.


Inangilan naman ako nito at napairap. "Ilang taon ka na?" biglaang tanong niya.


"Twenty-three...ay magte-twenthy-four na pala ako," sagot ko.


"Did you know that I was also twenty-three, just like you are now, when I married Lucian?" nakangiti nitong banggit, parang inaalala ang nakaraan nila kaya mas lalong kumukulo ang dugo ko sa kaniya.


"Everything was perfect back then. Kaka-graduate ko lang ng college kasi siya ang nagpa-aral sa akin habang siya nadedestino sa ibang lugar. We were madly in love, like living on cloud nine. Everything was perfect, especially him-the way he treated me, loved me, and-"


Tinapat ko ang palad ko sa mukha niya para huminto sa pagsasalita. "Wala akong pake sa love story niyong failed. I'm asking why you two broke up."


Umirap na naman ito sa akin. "I wanted to be a beauty queen,"


Pinigil ko ang matawa sa sinabi niya. Pero may ibubuga naman siya kung iyon ang gusto niya. "So?" Hindi ko napigilan na mapataas ang kilay ko.


"Kaso hindi ko nagawa ang bagay na 'yan dahil requirement pala na hindi dapat kasal ang isang babae. So I blamed him-every single day. I blamed him for everything I couldn't achieve. All the dreams I didn't get to fulfill. The things I wanted to do that were limited because I was already married. Kaso masyadong mabait si Lucian, tanggap lang siya ng tanggap sa mga salitang binibitawan ko. He never argued back, kasi alam niyang kasalanan niya dahil nagmadali siyang magpakasal."


Napanganga ako sa mga lumalabas sa bibig ng babaeng ito. "Kung hindi ka pala gago, bakit mo sa kaniya sinisisi? Anong kasalanan niya? Pumayag ka rin naman magpakasal," inis kong tanong sa kaniya.

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon