Napahawak ako sa gilid ng labi ko ng maramdaman ko ang hapdi dito. Namomroblema rin ako kung anong gagawin kong pagtatakip sa nangyari sa akin.
Hindi ko naman kasi akalain na 'yung bar na pinuntahan namin, na ako pa ang umaya kila Blake ay may mangyayaring gulo at nadamay pa kami. Gusto ko lang naman makapag-relax, at makalimot sa mga naganap sa akin. Akala ko makaka-score ako ngayon para tuluyan ng may pumalit sa alaala na pilit kong kinakalimutan. Gulo pa ang napala ko.
Pumasok na ako sa loob ng mansion na tahimik at iilang ilaw na lang ang nakabukas. Marahan akong naglakad patungo sa kwarto ko upang walang makakita sa akin. Ngunit bago ako makarating sa harap ng kwarto ko, nagbukas ang pintuan sa katabi kong kwarto.
"You're too late. It's nearly past two, and you still have your job for tomorrow," bungad nito kaagad sa akin.
Napakamot naman ako ng batok. "Nagkasiyahan lang po ng mga kaibigan kong matagal ko na pong hindi nakita," pagrarason ko. Sana bumenta ang pagsisinungaling ko.
"Understood, but next time, this won't happen again. Lahat ng mga tao dito sa mansion hanggang alas-doses lang ang pinaka-late nila sa labas," paalala nito na ikinatango ko naman.
"Salamat po, Sir. Pasok na po ako," pilit kong ngiti at naglakad na pa-kwarto ko.
Pagbukas ko ng pinto, may pumigil sa braso ko para makapasok. Napalingon ako kay Sir Lucian na agad hinawakan ang panga ko na nakamasid sa sugat sa labi ko. Iginilad pa niya ang mukha ko para mas makita ito. Shit!
Hinawi ko ang kamay niya at umiwas ng tingin. "I thought we're okay and fine," pananalita niya na mukhang iba na ang pinag uusapan namin.
Simula ng may mangyari sa amin at sinabi ko na wala lang sa akin 'yon dahil eventually makakalimutan ko naman, mali pala ako. Ilang araw ko na siyang iniiwasang matingnan direkta sa mata o lumapit man lang sa kaniya. Kasi sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik ang mga naganap sa amin. Lahat ng kahihiyan na ginawa ko ng gabing iyon, napakalinaw kong naalala.
"A-ayos naman po talaga tayo, Sir. N-nagulat lang po ako sa ginawa niyo," pagdadahilan ko na nakatingin lang sa kamay kong nasa doorknob ng pinto ko.
Hindi siya sumagot kaya palihim akong tumingin sa kaniya na nakatingin pala sa akin kaya sa iba ko binaling ang tingin ko. "Do you already remember what happened to us?"
Namilog ang mata ko sa tanong niya dahil hindi ko inaasahan itatanong pa niya 'yon. "H-hindi pa po," medyo nauutal kong sagot.
"I'm sorry, I didn't mean to ask you that question," bawi ni Sir. "By the way, what happened to your face?" pag iiba niya ng usapan na hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi gusto ko ring iwasan ang tanong na 'yan.
"Nadulas po ako tapos tumama po," pagdadahilan ko.
"I have my first-aid kit on my room, you can use it to treat your wounds. Sumunod ka," saad nito.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...