𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 2

6K 193 70
                                    

     Kakatapos lang ng intern ko kaya diretso ako kaagad kila Skye. Muli kong chineck ang schedule na ibibigay ko kay Sir Lucian pati na rin ang resumé ng kasinungalingan na ipinapahanda sa akin. Nadagdagan pa ang mga gawain ko ngayon. 


Nabanggit ni Sir George, Lolo ni Skye, siya na daw ang bahala sa akin pagdating sa totoo kong katauhan para hindi daw malaman ng anak niya. Kaya naman nagpahanda lang siya sa akin ng resumé incase na hingin sa kaniya ng anak niya. Ngunit pati ang katauhang binigay ko sa kaniya ay hindi totoo.


Regarding naman sa schedule na mangyayari, lahat ng vacant after ng intern ko ay ilalaan ko sa pagsama kay Skye pati ang nag-iisa kong walang intern tuwing Sabado. Linggo lang ang time ko para mang-chicks. Paano na ang pangangailangan ko bilang lalaki?


"Hello, nandyan si Sir Lucian?" bati at tanong ko sa mga nakatambay dito sa porch ng mansion na tandang-tanda ko pa ang pagmumukha dahil sila lang naman ang nagbanta sa akin na sumama sa kanila.


Humakbang naman paharap sa akin ang isang babae na kumakain ng bubble gum. "Mamaya pa si Sir," sagot nito na mariing nakatingin sa akin. "Alam mo parang pamilyar ka," pag-iiba ng usapan niya.


Hindi ako nagpahalata na kinabahan ako sa sinabi niya. Naniniwala kasi ako na maliit ang mundo kaya maaaring nagkita na kami ng hindi sinasadya. Safe akong hindi ko siya papatulan. Type ko kasi 'yung sexy at slim ang pangangatawan, may inosenteng pagmumukha, at malaki ang hinaharap. Sa itsura kasi niya, isang sakal lang ako lagutok lahat ng buto ko sa leeg.


"Oo naman, sa may coffee shop kung saan niyo ako binantaan," sagot ko kaya naman inirapan ako nito kaya nangiti ako.


Hindi rin ako nagtagal na kasama sila dahil sinalubong ako kaagad ni Skye kasama ang kaniyang Lolo George. Sa playroom ni Skye kami dumiretso na kaagad naglaro ang bata. 


Inabot ko kaagad sa kaniya ang resume.  "Pasensya ka na," biglang pananalita ni Sir George kaya naman nilingon ko ito na nakatingin sa apo niya. "Masyadong istrikto si Lucian pagdating sa anak niya. Hindi ko naman mapatigil si Skye sa pag-iyak dahil ikaw lang talaga ang gusto niya na makita kaya pinahanap kita. Palihim lang dapat na ipakita ka kay Skye ngunit hindi ko inaasahan na uuwi ng mas maaga sa usual na oras ng pag-uwi niya. Wala akong nagawa kundi ipakilala ka bilang speech therapist dahil sa oras na malaman niya na kung sino ka lang, baka pati ako ay pagbawalan niyang lumapit sa apo ko." Halata sa boses niya ang pagkasinsero sa mga salitang binibitawan niya.


Gusto kong tumutol o magalit sa kaniya dahil sa sitwasyon na pinaglagyan niya sa akin pero ngayon na narinig ko ang dahilan niya, naiintindihan ko. Nakakatakot talaga tingnan si Sir Lucian na akala mo na kapag tumingin ay hinahatulan ka na ng kaparusahan. Ang paraan din ng pananalita niya na parang kinokompronta ka.


"Ayos lang po. Para kay Skye din naman itong ginagawa ko dahil napalapit na rin siya sa akin," sagot ko na lang sa kaniya.


Nanatili pa siya dito ng sandali bago kami iniwang dalawa ni Skye. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa ginagawa niyang pag-build sa lego niya na siyang ikinatuwa niya.


"Skye, may hihingin ako na favor sa'yo," salita ko na ikinatingin at ikinahinto niya sa kaniyang ginagawa.

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon