Pinagmamasdan ko ang mga nakapaligid sa akin na hindi na rin bago sa aking paningin. Hindi ko maitatanggi na ang nag-utos sa mga lalaking nagpumilit na sumama ako sa kanila ay mayaman dahil sa rangya ng bahay na pinuntahan namin. Ngunit kung ikukumpara ito sa una kong naranasan, sa tingin ko ay hindi sila gumagawa ng karumaldumal na pangyayari. Kaya kahit papaano ay kampante akong makakalabas ng buhay, sana.
"Wala ba kayong pa-juice sa bisita ninyo?" komento ko sa dalawang lalaking nakaupo sa harap na napatingin sa akin.
Napakunot sila ng noo ngunit agad na binaling ang tingin sa kanilang cellphone. Napasandal naman ako sa sofa kaya naman bumungad sa akin ang napakalaking chandelier na kaagad kong iniwasan ng tingin dahil sa sobrang kinang nito.
"Hulaan ko tawag niyo sa nag-uutos sa inyo ay boss pero p'wede namang Don," pagsasalita kong muli. Naiinip na ako sa totoo lang.
Wala pa ring nakikipag-usap sa akin kaya hindi ko sila tatantanan. "Hindi naman siguro ako papatayin kung susundin ko ang ipapagawa ng boss n'yo. Ayaw ko pang mamatay kasi ang bata ko pa at hindi ko pa naikakalat ang lahi ko sa bawat bansa para itayo ang ating lahing Pilipino. At---" Natigil ako sa pagsasalita ng biglang tumayo ang dalawang nasa harap ko.
"Dalhin niyo daw sa taas kahit hindi pa tumitigil ang bata," utos nito sa dalawang nakaupo sa magkabilaang gilid ko na bantay sarado talaga ako.
"Sumunod ka sa amin," utos ng isa.
"Natural alangan namang ako ang sundan ninyo," pagbibiro ko ngunit sineryosohan ako ng tingin. "Joke lang," bawi ko kaagad bago ako pa ang unang mabawian ng buhay.
Muli naming tinahak ang daan na may pulang karpet na ngayon ay pataas na ng hadgan. Nakarating kami sa isang kuwarto na may makulay na pintuan at iba't ibang larawan ng mga hayop ang nakadikit sa pader na walang duda na bata ang may-ari nito.
Binuksan na nila ang pintuan kaya agad na bumungad sa akin ang napakalakas na iyak na mula sa isang bata. Humakbang pa kami papasok sa loob kaya nakita ko ang batang nakadapa sa sahig habang nagwawala. Alam niyo 'yung itsura niyo kapag pinatulog kayo sa hapon 'tas bigla kayong nagising at nakita niyong paalis na ang mga nanay at tatay niyo kaya ngangawa ka kasi malayo na sila at hindi mo na mahahabol. Gan'yan ang itsura ng bata sa harap ko.
"Tumayo ka na dyan, Skye. Uuwi na ang Daddy mo. Gusto mo bang abutan ka ng ganyan ang itsura? Magagalit 'yon."
Hindi napansin ng matandang lalaki ang pagdating namin dahil nakatuon lang ang tingin niya sa batang nasa harap niya. Kahit naman halata sa mukha niya ang inis dahil sa ginagawa ng bata, hindi mababanaagan ito sa kaniyang boses. Malumanay at inaamo pa rin niyang kinakausap ang bata.
"C-caude! Caude! " sigaw ng bata habang ngumagawa na halos humalik na sa sahig ang mukha.
Pumamilyar kaagad ang boses ng bata sa akin dahil siya lang ang kilala kong may gan'yang boses at paraan ng pagtawag sa akin.
"Ako ba ang hinahanap mo?" sumingit na ako sa usapan ng mag-Lolo.
Bigla itong tumahimik dahilan rin para tumingin sa akin ang matanda. Ang kaninang malumanay nitong ekpresyon ay unti-unting nagbabago. Nagsalubong ang kaniyang kilay habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...