𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 28

6.8K 231 147
                                    

     "Are you kidding me right, Claude?" dugtong pa niya kaya mas lalong nawalan ako ng pag-asa na buo niyang tatanggapin ang pagkatao ko.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para matanggap nila ang nararamdaman ko. Ayaw ko naman silang awayin para pilitin na gustuhin ang nais ko. Okay lang naman sa akin kung ayaw nila basta respetuhin nila ang relasyon namin ni Sir. At kung iuutos nila na hiwalayan ko siya, baka doon na ako kailangang pumalag.


Bigla ko na lang naramdaman ang paghawak ni Mommy sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Are you in love? Did I hear that right?" pag-uulit niya sa paraang patanong.


Hindi naman galit ang tono ni Mommy. Mas nangingibabaw ang gulat lalo na sa ekspresyon ng mukha niya.


Marahan naman akong tumango. Tinakpan ng dalawang kamay niya ang bibig niyang nakanganga.


"Na-in love na ang babaero naming anak?!" Napatanggal na siya ng takip sa bibig kaya nakita ko ang malawak niyang ngiti.


"Oh my gee! Kailangan kong magpamisa bukas at may himalang nangyari. Wala ka namang lagnat, anak?" kinapa pa nito ang noo at leeg na kaagad kong hinawakan.


Baka hindi niya narinig ng buo ang nabanggit ko.


"Mom, I want to be clear. Maybe you didn't hear me right. I am in love with a man... a man, a guy, a boy ...sa isang lalaki," paglilinaw ko.


Tinampal naman nito ang balikat ko. "So, what's wrong with that? It's even more surprising that you said you're in love. I thought you would never feel that."


Napalitan ng maginhawang pakiramdam ang nasa dibdib ko mula sa kanina pang kumakabog na puso ko na halos hindi ako makahinga.


Idagdag pa na napawi lahat ng iniisip kong worst scenario na maaaring mangyari once na sinabi ko sa kaniya at kung paano ko ipaglalaban si Sir Lucian.


"You don't mind?" tanong ko para makasigurado.


Pinisil naman nito ang pisngi ko. "Love is love, anak. Masaya ko na nararamdaman mo ang pakiramdam na nagmamahal at may minamahal. Sino ako para hadlangan ang magpapasaya sa aming favorite boy?"


Hindi ko na napigilan na yakapin sa Mommy saka tumalon-talon na kasama siya. "Thank you po, Mommy. Masaya po ako sa narinig ko."


Humiwalay rin ako ng yakap at muling humarap sa kaniya na hindi nawawala ang ngiti sa labi. "Wala ka dapat ipagpasalamat sa akin. Kung ano ang magpapasaya sa'yo, susuportahan namin. I'm so proud of you, dear."


Nakita ko na parang naiiyak na ito ngunit hindi dulot ng sama ng loob, kundi saya. Nagagalak ang puso ko na makita ko ang Mommy ko na proud sa akin kahit sa ganitong bagay.


Ngunit napawi ang iniisip ko. "Paano pala si Daddy?" pag-alala kong tanong.


"Ako na ang bahala sa Daddy mo," ngiti naman niya kaya napatango ako.


Nagpaalam na rin ako na tataas na sa kwarto ko. Pagtungo ko doon, umupo ako sa dulong bahagi ng kama ko at nakangiting humugot ng malalim na paghinga.

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon