Naging matiwasay ang mga nagdaang sessions namin ni Skye. Malaki na ang naging improvement niya sa pananalita na hindi lang ako ang nakakarinig at nakakapansin. Kung dati ay wala siyang mabuong salita, ngayon ay meron na. Kulang kulang man, maiintindihan na. Hindi na rin siya ilag sa mga taong nakapaligid sa kaniya basta huwag lang siya biglang kakausapin kasi matatakot siya, pero hindi tulad nang dati na may makita lang na tao kulang na lang ay magtago.
Nakakatuwa kahit nagpapanggap lang akong speech therapist niya, may pagbabago talaga sa kaniya. Nakaka-proud sa sarili.
"Caude, kaw sama, ha?" hawak pa ni Skye ang braso ko na nagpapapungay pa ng mata niya. Napakacute ng batang 're!
Narito kami sa study room ng pumasok si Sir Lucian sa kalagitnaan ng pag-aaral namin. Hindi ko nga expected na uuwi siya ng umaga.
Kay Sir Lucian naman ako bumaling na hinihintay ang sagot ko. "Hindi po ako sigurado. Ilang araw na rin po ako umabsent sa ibang client ko, at hindi ako sigurado kung papayagan pa nila ako," imporma ko.
Humalukipkip ito sa harap namin. "When your other clients' contracts end? Nasabihan na kita na you can work with Skye full time."
"Nakapagpaalam na po ako sa kanila at pumayag naman sila. But I still have two weeks left on my contract, at mahirap kung hihingi pa po ako ng day off," rason ko.
Dalawang linggo na lang at gagraduate na ako. Sa oras na mangyari iyon, hawak ko na ang oras ko. Buong araw ko ng makikita si Skye para sa kaniya ako mag-focus lalo pa't malapit na rin ang pasukan nila. Isa pa 'yon sa dapat kong matutukan sa kaniya.
Si Skye naman ang tiningnan niya dahil sa sinagot ko. "We really need to go to your Lolo George's birthday celebration without Claude," kausap niya sa anak niya, marahas na iniling ang sinagot sabay yakap sa braso ko.
Family trip ang napiling birthday celebration ni Sir George sa isang beach kasabay na rin ang wedding anniversary ng mag-asawa. Three nights and four days magtatagal kaya hindi ako sigurado dahil baka biglang magpatawag sa school, mahihirapan akong bumalik lalo pa't malalayo rin ang lugar na napili mula dito sa city.
"No," maluha-luhang sagot ng anak niya.
Napahinga ng malalim si Sir Lucian na mukhang malaking problema ang inaasta ni Skye. He didn't say anything more before silently leaving the room. Bumaling naman ako kay Skye na kinukusot-kusot ang mata.
"Skye," malumanay kong banggit sa pangalan niya. "Not all the time ay dapat kasama ako. Birthday 'yon ni Lolo George mo dapat nandoon ka kasi magiging masaya si Lolo mo."
"Gusto kaw sama ko." Naka-pout pa nitong sagot.
"Pero hindi ako sigurado kasi. Gusto mo bang sa birthday ni Lolo George mo malungkot siya?"
Umiling uli siya kaya naman pinat ko ang ulo niya. "Dapat sumama ka para si Lolo George ang pinaka-happy na Lolo kasi sumama ang favorite niyang apo."
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...