𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 27

7.9K 210 115
                                    

     Naririnig ko ang malakas na pag-vibrate ng cellphone ko sa ibabaw ng nightstand. Pikit kong kinapa ito at hindi na pinagkaabalahang tingnan kung sino ang tumatawag. Kulang pa ako sa tulog.


"Hello," antok kong sagot kung sino man 'to.


"And you're still on your bed?" boses ni Kuya Claudio ang narinig ko.


"Hmm-mm," sagot ko.


"You have your meeting at 9:30. Have you forgotten?"


Bahagya akong napadilat upang tingnan ang oras sa cellphone ko at napabangon. Narinig ko ang pagpilantik ng dila niya. "Gagayak na po ako. Sige po," end ko na ng tawag.


Napainit naman ako at akmang bababa na sa kama ng may maramdaman akong nakahawak sa bewang ko. Paglingon ko nakita ko si Skye na mahimbing pang natutulog samantalang sa kabilang gilid niya ay ang Daddy niya.


Oo nga pala, dito ko na pinatulog ang mag-amang ito. Anong oras naman na kasi kung uuwi pa sila sa kanila.


Napatakip naman ako sa bibig upang takpan ang nangingiti kong labi. Hindi ito kasama sa plano ko, pero iharap ba naman niya ang anak niya sa akin. Syempre wala akong laban dahil ayaw kong isipin ni Skye na ayaw ko siyang pansinin.


Pero hindi lang iyon, si Sir Lucian na umamin sa akin sa kagabi. Tama ba ang narinig ko o nagbibigay lang ako ng ibang malisya?


Hindi ko alam kung ano bang ire-react ko sa oras na 'yon. Natawa lang ako pero ng makita ko siyang seryoso ang tingin sa akin, thank you ang sinagot ko. First time itong nararamdaman ko kaya hindi ko alam kung paano ko ipapakita o sasabihin sa kaniya.


May mga nag-confess naman na sa akin before na kayang-kaya kong tanggihan. Ang pagkakaiba lang nila ay meron akong nararamdaman para sa kaniya kaya hindi ko ni-reject. Hindi kasi ako makasagot ng me too. At least nag-thank you ako.


Sa totoo lang, madali naman sabihin na gusto rin kita pero umaatras ang dila ko sa hiya. Hindi naman dapat ako mahiya 'di ba? Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Ganito ba talaga ang pakiramdam na 'yung taong may gusto sa'yo, nagugustuhan mo na rin? Hindi ko alam kung paano gagawin o umakto.


Umiling-iling naman ako sa mga naiisip ko. Kailangan ko ng gumayak.


Marahan kong inalis ang pagkakayakap ni Skye sa bewang ko at maingat na bumaba sa kama. Tahimik rin akong kumuha ng damit sa closet at nagtungo na sa banyo. Ginawa na ang dapat gawin.


Paglabas ko, napansin ko kaagad na gising na si Sir Lucian, na gumawi ng tingin sa akin. "Are you going somewhere?" tanong niya.


Nararamdaman ko ang pag-init ng mukha ko kaya tumalikod ako at nagtungo sa closet para kumuha ng necktie. Nahihiya talaga ko.


"May meeting ako kasama ang Kuya. Gusto ko mang mag-stay dito kasama kayo, hindi talaga p'wedeng hindi ako maka-attend," paliwanag ko sa kaniya.

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon