"I will take care of you from now on," pag-aamo ng Mommy ni Skye sa kaniya.
"No! Di kita know. No ako Mommy!" sigaw nito na pumipiglas pa sa pagkakahawak ng kaniyang ina.
"Skye," pasuway na tawag ng Lola niya sa kaniya dahil sa inaasta nito.
Teka, papasok na ba ako sa eksena o mamaya na lang? Usapang pampamilya 'to kaya hindj ako dapat makisama pa.
Umatras ako ng lakas para magpalipas muna na ng oras sa labas ngunit napahinto ako ng mapalingon sa gawi ko si Skye. Marahas niyang tinangga ang pagkakahawak ng Mommy niya sa braso niya at tumakbo sa akin.
"Caude!" kasabay ang mahigpit nitong yakap.
Nakatingala siya sa akin na nagbabadya na naman ang pagpatak ng luha niya. Ngumiti ako sa kaniya kasabay ang pagpisil ko sa pisngi niya. Napakaiyakan na lahat na lang ng bagay ay iniiyakan niya. Hindi ba siya natutuwa na bumalik ang Mommy niya?
Narinig ko ang pagtikhim na nagmula kay Madam kaya naman napagawi ako sa kanila. Ngumiti ako bilang pagbati at dito ko na nakita ang mukha ng Mommy ni Skye.
Walang sinabi ang itsura niya sa picture, ngayon na kaharap ko siya ng personal. Napakaganda niyang babae. Ang amo-amo ng mukha niya, at hindi rin magpapatalo ang katawan na parang model ng international magazine. Mas mukha pa nga siyang bumata.
"Sino po siya Mama?" pananalita niya na nakatingin sa pagkakayakap ng anak niya sa braso ko. Napakahinhin ng kaniyang boses.
"Siya ang speech therapist ni Skye." Si Sir George ang sumagot para sa akin.
"Speech therapist?" pag-uulit nito. "And why he still talking like that?" referring to Skye.
"He's in a better state now than he was before," si Sir Lucian naman ang nagsalita na bumaling na sa akin ng tingin. "Claude go to your room," utos nito sa akin.
Allergic talaga siya na makita ko ang asawa niya. Wala naman akong gagawing masama.
"Come here na, Skye," aya ni Madam kaso inilingan lang siya ng bata.
"Skye," ako na ang tumawag sa kaniya.
Tumingila ito sa akin. "Kailangan mo munang ma-meet ang Mommy mo."
Marahas itong umiling kasabay pa ang pagpadyak ng isa paa. "No. 'Yaw ko!"
Tinanggal ko ang pagkakakapit ng kamay niya na gulat tumingin sa akin. Mabilis akong lumuhod sa harap niya bago pa ito umiyak nang malakas at isiping pinagtatabuyan siya.
"Kausapin mo muna si Mommy mo pagkatapos ay sabay natin itong kainin habang nanonood ng movie. Magpapaalam ako kay Daddy mo na manood tayo bago ka matulog," pang-uuto ko.
Napakagat pa ito sa ibabang labi niya. "Ikaw no alis?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...