Briel's POV
Nabitawan ko ang dahon at agad akong napaatras sa takot. Ngunit nagulat pa ako nang may maapakan akong bagay na nag-ingay.
Shit!"Sinong nandiyan?" Malamig na saad ng isang boses na kinasinhap ko.
Double shit!
Hindi na ako nag-isip pa at basta na lang akong tumakbo. Ni hindi ko na tiningnan ang lugar na pinupuntahan. Ang importante ay makalayo ako at ang importante ay hindi niya ako makita.
Takbo lang ako nang takbo kahit pa ramdam ko ang panlalabo ng aking mga mata dahil sa luhang gustong kumawala.
At hindi ko maiwasan ang magtanong.
Bakit?
Bakit siya nandito?
Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ang babae bilang Zai? Kung siya nga talaga ang lalaking iyon bakit naman niya sasambitin ang pangalan na iyon?
At kung siya nga talaga ang lalaking iyon ay ano lang ang gagawin ko? Paano kung makita niya ako? Makakatakas pa kaya ako sa kaniya?
Pero ang tanong ay makikilala niya kaya ako?
Oo alam kong magkamukhang-magkamukha kami ni ate pero matagal ko nang gamit itong katauhan ko na ito. Natitiyak kong iba ang Briel sa Zai.
Magkaiba kami ni ate 'yun ang alam ko. Pero may kaibahan ba kami sa paningin ni Rohws?
Sa kakaisip ko ay hindi ko naramdaman na may tao na pala sa harap ko at ang naging resulta ay nabangga ko ito.
"Ahw!" Sabay naming daing pero napayuko lamang ako at pinilit na punasan ang luha mula sa aking mga mata.
"Briel? Anong ginagawa mo rito? Ang layo na nito sa mansion!" Umangat agad ang mukha ko sa narinig kong boses at ewan ko ba kung bakit pero kusang tumaas ang kamay ko upang dumapo sa kanang pisnge nito.
Sinampal ko ito dahil sa tindi ng inis at galit na nararamdaman ko.
"Bakit mo ako sinampal!" Gulat na sigaw nito buti na lang at kami na lang ang naroon kaya walang makakarinig.
At sakto siguro na pauwi na ito kaya nagsalubong kami o nabangga ko ito.
"Kasalanan mo itong lahat! Kung hindi mo ako sinama rito at dinala rito hindi sana ako mapupunta sa sitwasyon na ito! Hindi ko sana mararamdaman ang ganitong pakiramdam!" Napatanga ito sa aking panunumbat. Gusto ko mang bawiin iyon ay hindi ko na magawa.
"Ano ba ang nangyari sa'yo Briel? May ginawa ba sa'yo si mommy?" Nag-aalalang sambit nito at akmang lalapitan ako upang hawakan pero umiling ako at napasabunot sa aking buhok.
"Anong gagawin ko ngayon? Saan ako magtatago?" Naprapraning na ako sa aking mga naiisip. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magkaharap kami.
Oo matagal kong sinabi sa sarili ko na kung sakaling magharap kami ay sisiguraduhin kong handa ako at ituturing ko itong estranghero pero ngayon na posibleng magkaharap kami ay para bang sasabog ang puso ko sa takot at kaba.
Paulit-ulit ang utak ko sa pagsabing kailangan kong umalis sa lugar na ito na kailangan kong makatakas, na kailangam ay hindi niya ako makita.
"Sino ba ang tinutukoy mo Briel? Kanino ka ba magtatago? Oo may kasalanan ako dahil iniwan kita kanina doon sa mansion na mag-isa. Pero may inayos lang naman ako para sa bisita nila mommy. Babalik naman ako agad e'." Biglang natigilan ako sa sinabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/316651862-288-k90964.jpg)
BINABASA MO ANG
Secrets (COMPLETE)
عاطفية"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...