50

119 3 0
                                    

BRIEL'S POV

"Pasensya na po pero nakahanda na po ang pagkain doon sa labas, sabi kasi ni ma'am mas maganda raw na sa labas kayo kumain at nang masarap po ang hangin roon," sabi ng isang kasambahay nang makapasok na kami sa loob ng dining hall.

"Kung ganoon naghihintay sila mommy roon sa labas?" Nag-aalangan na untag ko na siyang naging dahilan upang mapakamot ng batok ang kasambahay.

"Ahm, tapos na po silang kumain kanina pa po. Late po kasi kayo nagising ni sir Rohws kaya kayo na lang po ang hindi pa kumakain." Napalunok ako sa sinabi ng kasambahay. Hindi ko ata gusto ang nangyayari ngayon.

Bakit sa lahat ng pwedeng mangyari ay ito pa talaga?

Malaking kahihiyan na nga ang nangyari kanina pati ba naman sa pag-aagahan ay kailangan ko pang pagtiyagaan na si Rohws lang ang aking makakaharap?

"Don't tell me hindi ka kakain dahil makakasabay mo ako?" Nananantiyang tanong ni Rohws na kinagulat ko.

"Bakit naman ako hindi kakain?" Sambit ko bago pinakawalan ang nag-aalangan na tawa sa aking bibig.

"Kung ganoon naman pala edi hali ka na." Napasinghap ako nang agad na hinila nito ang aking braso at naglakad na ito papunta sa garden habang ako naman ay walang choice kundi ang magpatianod sa gusto nito.

I didn’t want to know more about this man or, heaven forbid, find some sympathy for him. My physical awareness of him was alarming enough.

A few minutes later,

The brilliance of the sun, the hard, bright blue of the sky and the perfect clarity of the air left her breathless for a moment.

Nang marating namin ang garden ay nakita nga namin na nakahanda na ang pagkain at may takip lamang ang mga ito.

I was dazzled by the austere beauty of the garden, even though I didn’t want to be. I  didn’t want to feel anything for any of it. Lalo na't kasama kong kakain si Rohws parang hindi ko rin maeenjoy ang ganda ng paligid.

Pero nang lapitan namin ang lamesa ay agad na umupo sa isang bakanteng upuan si Rohws pero bago iyon ay pinaghila muna ako nito ng isang upuan sa tabi nito na siyang kinagulat ko.

Kaya ko naman manghila ng upuan para sa sarili ko e'

Tsk!

Pero andoon pa rin ang galak dahil sa kaalaman na hanggang ngayon ay may natitira pa ring pag-uugali si Rohws na akala ko'y nabura na.

"Please. Sit."

"Thank you." I perched on the edge of a chair at siniguradong nakaupo ako nang maayos roon and Rohws arched an amused eyebrow.

"Courteous today, are we?" Nakataas kilay na sambit nito na siyang ikinailing ko.

Siguro ang tinutukoy nito ay ang pagpapasalamat ko rito.

I shrugged. "I choose my battles."

Walang ganang pahayag ko na siyang ikinatango nito

"I look forward to the next one. Ano pa kaya ang kaya mong labanan Briel?"

Alam kong may laman ang sinabi nito pero isinawalang bahala ko na lamang iyon at mas tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa pag-oobserba sa mga galaw nito.

Una binuksan nito ang mga pagkaing nakatakip at nang maiayos na nito ang lahat ay inabot nito sa akin ang isang plato at sunod no'n ay nilagyan na nito ako ng mga pagkain na halos punuin na nga nito ang pinggan ko.

"T-Teka tama na okay na sa akin ang mga ito." Tiningnan ko ang mga pagkain at halos mapangiwi ako nang makitang punong-puno ang pinggan ko at tiyak na hindi ko iyon mauubos.

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon