Drowned
"Kanina ka pa nakatulala ah?" puna ni Shienna sa akin at nandito kami sa sala nila gumagawa kami ng project. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil ako nga iyon, ako ang magiging asawa ni Relius. I-it's me! 'Di ako makapaniwala.
"H-ha, what?" ngumiti ako ng peke buti na lang talaga wala rito sila Relius at ang kapatid niya.
"Ang ganda pala talaga ng Mansyon niyo, umuuwi ba minsan ang mga kapatid mo?" kinikilig na tanong ni Yasmin kay Shienna natawa naman kami halata talagang hindi ito ang sadya niya rito kung hindi ang magkapatid.
Pare-parehas kaming naghagikgikan.
"Mamaya nandito na rin iyon, bumisita lang sila saglit sa kompanya nila daddy..." sagot nito at napatango ako.
"Grabe, hindi siya seryoso sa babae pero sa trabaho ay parang mas binibigyan niya pa iyon ng time, hano?" tanong ni Yasmin dito at napatango kami parehas. Oo nga, hindi ko rin akalaing ganuon kaseryoso pagdating sa business si Relius.
"Pinaghahandaan niya na ba talaga ang merging? Hindi na ba magbabago ang desisyon ng Kuya Relius mo? Paano pala kung may mahal siyang iba bukod duon sa babaeng ipagkakasundo nila?" sunod sunod na tanong ni Jenny.
Ako 'yun! Pero oo nga hano? What if may iba na siyang gusto at pinagkasundo lang kami dahil sa business tapos ipaglalaban niya ang babaeng gusto niya dahil hindi niya ako mahal at iiwanan niya ako tapos nabuntis niya na ako nun at tataguan ko siya ng anak?
Paano kung iyong mga nababasa ko ang mangyayari sa akin sa mga susunod na panahong kasama ko siya? Kaya ganun siya kacold sa akin dahil nga sa aming family.My heart ache... paano naman ako? Paano ako magpapalaki ng anak ng wala siya?
Kaya dapat kapag magkasama kami sa kwarto, dapat hindi kami magkasama sa iisang kwarto, baka buntisin lang ako nun!
Pero malabo, he's not into me and he don't like me as he like other woman.
"Si Kuya pa... alam kong alam niya naman ang ginagawa niya..."
"Sino naman kaya ang maswerteng babaeng 'yon at pinagpalang lubos, Navi... kaya ka siguro tahimik dahil sa nalaman mong merging nilang dalawa ng babae hano?" tanong ni Yasmin sa akin at ngumuso ako. That's me!
"O-oo... ang sakit nga eh..." sabay tingin sa pumasok, h-hes Relius! Bigla kong nadiin ang glue stick at tumulo 'yon sa aking daliri. That lost my sanity dahil duon! It hurts!
"Ouch!" maarteng sigaw ko.
"Ayos ka lang?" alalang tanong ni Ronald. "Natuklap ang balat mo, bobo ka kasing humawak ng glue..." inis na singhal niya sa akin at ngumuso lamang ako. Kaagad niyang kinuha ang aking kamay and he blow it na para bang mawawala agad iyon.
Lumipat ang tingin ko kay Relius na matalim ang tingin sa akin.
Nagningning ang aking mata nang tingnan niya ako, tahimik nitong inilagay ang gamit sa kaniyang lamesita at sinundan lamang namin ng tingin habang si Shienna ay abala sa pagdidikit ng kaniya. Dapat malinis ang model house namin dahil bagsak kami ng midterm.
"I-im okay... don't mind me, Ronald..." sabay ngiti at tinuloy ko na lang ang pagdidikit ng papers. Hindi naman na siya nagsalita at hindi na ako tinapunan ng tingin, ang weird niya huh? Bakit parang ang gaan ng pagkakabigkas niya ng ganun? Ano kayang nakain niya?
"Ako na diyan, magupit ka nalang..." presinta niya.
"No, ito ang duty ko ngayon eh... ba't mo ako kukuhanan ng duty ko?" I said and pouted. Hindi naman siya umimik, nang sabihin ko na 'yon wala naman akong ginawa at sinabi nang tumahimik ito. Tumingin ako sa gawi ni Relius, malapad ang kaniyang balikat kahit nakatalikod sa amin.
YOU ARE READING
To be married with (De Viola #3)
RomanceYuziel Navi Victoria, is a adopted of De Viola the wealthy family. She's rich, kind and beautiful nasa sa kaniya na ang lahat ng gugustuhin sa babae. She wants to be the best for her especially to her future husband. Aurelius Israel Montelbano, the...