Chapter 8

32 2 0
                                    

Kilig



"Akin na 'yang maleta mo," utos ni Relius sa akin, his big hand my bags na walang kahirap hirap at nilagay doon sa likod ng sasakyan samantalang ako ay hindi alam kung paano ako dadalhin iyon sa aking maliit na kamay.

"Hindi ka sasakay?" nakataas ang kilay niyang tanong at tumango na lamang ako. He's always like that! Ang sungit niya talaga!

Tahimik akong nasa loob ng sasakyan niya, hindi ako makapagsalita dahil sa bumabalot na lamig ng kaniyang sasakyan, naramdaman niya rin ang paghawak ko sa aking siko kaya hininaan niya ang ac sa kaniyang sasakyan.

Magtha-thankyou na sana ako nang hindi niya na lang ako pinansin at dere-deretsong minaniobra ang kaniyang mamahaling sasakyan. Hindi ako makapagsalita, he's too serious kasi! Wala akong masabi at sobrang serious niya rin sa kaniyang pagmamaniobra ng sasakyan, hindi man lang ako makasingit.

"Kamusta na nga pala si Lyra?" pagbubukas ko ng topic.

"She's doing fine..." simpleng sagot niya at tumango ako. Ano pa, Navi? What's your next topic, huh? Ngumuso ako at wala nang masabi.

Hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya ako pinahiya sa mga kaibigan niya, ayaw ko na ulit magtanong tungkol sa babaeng iyon dahil I know he's the bestfriend not like me. Ako na ngayon palang siya nakilala at nagbabakasakali lang.

"Naging kayo ba ni Lyra, Relius?"

"Stop asking me about Lyra, siya na lang ang tanungin mo..." inis na sagot nito sa akin at tumango na lamang ako. Gusto niya kaya ang set-up na ito o ako lang talaga ang umaasang magiging mabuti siya sa akin?

"I'm just asking lang naman kung naging ex mo siya dahil magiging asawa mo na ako, at karapatan ko 'yon para mas makilala ang magiging asawa ko!" laban ko sa kaniya at hindi na lang ako tinugunan, wala na akong maisip na sasabihin sa kaniya.

"Dapat din huwag ka ng mambababae dahil ako na ang babae mo, ako lang dapat..." sagot ko pa, he remained silent when I said that.

"At huwag ka rin lalapit, huwag kang magiging pag-ano sa kanila... huwag kahit ano..." sambit ko pa at natawa na lang ito.

"Anong ano?"

"You know what I mean, huwag kang makikipag-ano..." sagot ko na lang din ulit at napailing na lamang ito sa aking sinabi wala na akong masasabi iyon lang naman ang issue ko sa kaniiya. "Masyado kang babaero, pero ang tahimik mo naman? What kind of playboy are you?"

"Sumatutal din fiancee na kita ngayon, we will be married as soon as possible sabi ni Mommy sa akin kaya dapat huwag ka ng lalapit sa mga girls..."

"Sige."

"At kapag naman nasa iisang condominium na tayo, huwag mo rin akong gagalawin... I'm a virgin, I know you're not interes with me lalo pa't virgin pa ako." Tumingin ako sa kaniya nakita ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin.

"Ang daldal mo..." reklamo niya.

"Masyadong boring kung hindi naman ako mag-iingay... limang oras pa ang byahe natin hindi ba?" tanong ko sa kaniya tumango na lang ito at pinindot ko na lang ang stereo. Nakakabinging ingay ang sumalubong sa akin dahil sa kanta, namili na lang ako.


Nanduon lang ako sa bintana at nakatanaw at naghuhum ng kanta, I want this song and I like it so much. Hindi ko alam kung jologs lang ba ako pero I want this type of genre. Minsan naman ay mga classical na music ang pinapatugtog ko.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now