Chapter 14

36 0 0
                                    

Dream



Natapos ang buong maghapon, niligpit ko na rin lahat ng mga gamit ko. Wala rin si Shienna ngayon dahil inaasikaso niya na ang pagtransfer for next sem. I'm gonna missed her so much. Hindi ko na yata kayang mawalay siya sa akin.

"Tuloy na ba talaga ang pagtransfer ni Shienna?" tanong ni Yasmin at tumango naman ako. Ngumiti naman ng tipid si Jen at parang nalulungkot.

"Oo sinabi niya sa akin," sagot ko naman at tumango na nga lang sila at wala nang magagawa sa paglipat niya.

"Saan pala tayo gagawa ng group project natin?" tanong ko sa kaniya at tumingin silang tatlo sa akin. Kumunot naman ang aking noo.

"Bakit?"

"Sa condo mo na lang, panigurado nandoon si Jerald," sagot nito at huminga nang malalim. Paano ko ba sasabihing lumipat ako? Hindi ko naman pwedeng sabihing nasa iisang bubong kaming dalawa ni Relius.

Aanihin ko na naman ang pagbibiro nilang dalawa.

"Balita ko heartbroken ang pinsan mo?" tanong ni Jen sa akin at tumango na lamang ako. Hindi ko maintindihan bakit sila ngumiting dalawa. "Napapagiliran ka talaga ng mga pogi, sa 'yo na 'yang si Relius hati na lang kami kay Jerald."

"Hindi ko naman inaangkin si Aurelius," sagot ko.

"Nasaan na ang Navi na baliw na baliw kay Relius?" tanong niya sa akin at nagkibit balikat na lamang ako. "Basta huwag mo na lang kalimutan ang sinabi namin sa 'yo, huwag mong ibibigay ang perlas ng silanganan," sagot ni Yasmin.

"At huwag mong ipapakain ang tahong mo, baka mabilis magsawa..." sagot nito at uminit na naman ang aking pisngi.

"Kung ano anong sinasabi niyo!" inis na sabi ko sa kanila at ngumiti naman si Yasmin sa akin. "Next week pa naman ang plates, mag-inom muna tayo ngayon," aya ko.

"Sige ba, palag kami diyan!"

Nagsuot ako ng dress, ilang buwan kong hindi nagawa ito kaya ngayon ay kakalimutan ko muna ang problema. Silk dress na dark red habang backless naman sa likod, lumitaw din ang katamtamang dibdib ko.

Mas humubog ang aking katawan.

"Gosh, ang ganda ganda mo talaga!" puri nila.

"You too girls, tara na yari na akong gumayak..." sagot ko sabay ngiti. Kinuha ko ang purse ko at excited na pumunta sa bar. Si Ronald ang naghatid sa amin.

"Thanks Ronald!" sambit ko at tumingin ito sa akin sabay ngiti.

"Magbabantay ako sa inyo, hindi ako mapapalagay kung maiiwan ka lang dito kasama 'yang dalawang 'yan," sagot ni Ronald at natawa na lamang ako.

"Don't worry, mabait naman sila ah?"

"Ikaw lang."

"Etong si Ronaldo naman, ngayon lang naman tayo magpaparty party, napakanega mo naman!" singhal ni Yasmin kay Ronaldo. Pagpasok namin ay kinindatan lang ni Yasmin at pinakita naman ang id ko.

We're in legal age naman kaya pwede naman na.

Siniko ako ni Yasmin nang makapasok kami sa entrance, nakita ko agad si Relius, seryoso itong umiinom ng kaniyang alak, nag-iwas ako ng tingin. Pake niya ba? Wala siyang pakialam sa kung ano mang gawin ko, buhay ko ito.

"Beh, nakita yata tayo ni Relius hayup." Sambit ni Jen.

Nakita ko ang matalim na tingin niya. Aalma pa sana ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Ronaldo sa aking likod, hindi naman ako nagprotesta pa at pumunta kami sa private desk namin. Iyong Daniel na tropa niya ay may nakapatong na babae sa lap niya samantalang si Aurelius ay nakatitig na lamang sa akin.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now