Sagot
Nagtuloy tuloy ang panliligaw sa akin ni Relius, tuwing uwian ay susunduin niya ako. Walang araw na pumapalya, ako na ang napapagod sa kaniya, si Ronald naman ay panay ang pangaral sa akin na mag-ingat ako, ako naman ay parang isang sirang plaka ngayon.
Nahuhulog na yata ako sa sarili kong bitag.
Wala na namang stocks ng cornetto sa seven eleven kaya inis akong tumingin sa sasakyang parating, tumingin ito at ngumiti sa akin.
"You look pissed, what's wrong?"
"Nawalan na naman ng stocks 'yung seven eleven, sinabi ko na nga sa kanila palagi silang maglagay ng stocks ng cornetto at bibili ako..." inis ko siyang binalingan at napangisi ito tyaka siya tumawa.
"Do you want cornetto so bad? Pumunta tayo sa department store, mag-sstock ako ng cornetto ice cream mo, what's your favorite flavor?"
"I want strawberry..."
"Sige, bibili ako mamaya..." sagot nito at nagulat ako. Hindi ko expect iyon, gusto ko lang namang ichallenge siya dahil wala nga kasi talaga. Pero siguro sa kadulu-duluhan pa siguro meron noon. But I'm craving so much.
Halos mangiyak-ngiyak ako. Wala talagang ganon, kahit sa department store. Nag-ikot na kami wala talaga, tumulo ang luha sa aking mga mata.
"W-what's happening, oh damn."
"W-wala ng cornetto!" sigaw ko sa kanya at ngumiti ito.
"I will have my own ways, umuwi na tayo..."
"Inubos talaga nila, hindi nila alam na gusto ko 'yon, Relius..." sagot ko sa kaniya at natawa ito. Kinuha ang aking kamay at isinakay na ako sa kotse.
Tahimik lamang ako, wala na ngang cornetto ngayon? Hindi ko alam, paboritong paborito ko 'yun simula pa noon. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa pero alam ko talaga, pero allergy ako sa ibang prutas.
Binuhat niya ako, hindi na nga sana ako magpapabuhat pero heto't siya pa ang nagpumilit.
"Manang Cyntia!" sigaw ko at napayakap sa kaniya.
"Mabuti at ayos na kayong dalawa?" masayang tanong nito.
"Manang, ilang buwan po kayong nagbakasyon sa inyo, I missed you so much po..." sabay nguso at ginulo na lang nito ang aking buhok.
"Bati na kayo ulit?" tanong sa akin ni Manan Cyntia. Tumingin sa akin si Relius na nakangiti ngayon, sinamaan ko na lamang ito ng tingin at hindi na siya pinansin.
"Nagluluto po kayo, I want to help po..." sambit ko sabay ngiti ngunit ngumuso na lamang ako ng tingnan niya ako.
"Hindi na hija, ako ang nakaassign na magluluto, hindi pwedeng ikaw ang tutulong sa akin," pagtanggi sa akin ni Manang at napanguso na lamang ako. "Kakaiba ang ngiti ni hijo ha? Mukhang naka score ka na yata sa alaga ko?"
"Manang." Bawal ko at ngumuso na lamang ako.
"Huwag na kayong magkaila, kilala ko ang ngiti ni hijo na 'yan, ganyan kaya 'yan nung..."
"Nung ano po?" curious na tanong ko. Tumingin ako kay Relius na nagseryoso na ngayon ng mukha, hindi ko rin maintindihan kung bakit kakaiba ang ngiti niyang 'yan. Na ngayon ay parang biglang naglaho nang sabihin ni Manang 'yun.
Ngumuso ako dahil doon.
"Nung nagbati sila ng kaibigan niya..."
"Si Lyra po ba?"
"Hindi 'yung isa pa, lalaking rin, pogi."
Hindi ko na lang tinanong kung sino 'yon at nagpasya na akong umakyat sa itaas. Parang napagod ako bigla kahit buong hapon lang ako nakatulala sa school, nagulat ako nang pumunta si Aurelius sa kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/345641256-288-k263601.jpg)
YOU ARE READING
To be married with (De Viola #3)
RomanceYuziel Navi Victoria, is a adopted of De Viola the wealthy family. She's rich, kind and beautiful nasa sa kaniya na ang lahat ng gugustuhin sa babae. She wants to be the best for her especially to her future husband. Aurelius Israel Montelbano, the...