Chapter 36

29 1 0
                                    

Bahala na



Ang daming missed calls akong natatanggap, sa angkan nang mga Montelbano dahil siguro nag-aalala sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil ang pinaalam ko sa kanila ay aalis lang ako at doon ako sa Nueva Ecija babalik.

Wala akong choice kung hindi iblock ang number na 'yon, hindi ko naman na kailangan pa nang iba pang mag-aalaga sa anak ko at sa akin. At kapag nakapagdesisyon na ako, at kaya ko na ulit humarap aalis naman na rin ako rito pero syempre mabuti na ang buhay ni Lola Feb.

Tatlong buwan na pala akong nandito, hindi ko ramdam dahil panay din ang trabaho ko para makatulong, minsan ko na lang din makita si Elisia kaya minsan ay kapag tulog na siya tyaka na ako dadating.

Ang dami nilang pinagagawa sa akin na hindi naman na sakop sa trabaho ko, minsan ay paglilinisin nila ako ng kisame, ayos lang naman sa akin kahit na ganuon pero sana may additional na incentives kapag overtime.

"Lola, ako na po riyan..." presinta ko sa kaniya. Naghuhugas na naman siya ng pinggan, minsan lang ako babawi kaya sinasagad sagad ko na rin. Nilampasan ko naman ang adik na asawa ni Ivy, hayun at umiinom mag-isa.

Siguro kung ako na lang ang pipili para sa kaniya hindi na ako magpapakaasawa kung ganyan lang naman na wala ring naitutulong kay Lola.

"Naku, ayus lang ako hija... ano ka ba... ikaw ang magpahinga na at gabing gabi ka na nakauwi, hindi ka pa yata kumakain at tingnan mo ang katawan mo, pumapayat ka na..."

"Ayos lang po iyon, nagpapasexy po kasi..." biro ko naman.

"Hindi ka naman ganyan kaputi nuon hano? Mas lalong gumanda ang katawan mo at mas lalong naging hubog, hindi halatang nagluwal ka ng sanggol," sagot niya sa akin. "Balita ko rin na nagkakagusto ang Boss mo roon sa karinderya na pinapasukan mo, naku kailanman huwag na huwag mong papatulan iyon at mukha siyang adik..." sagot ni Lola sa akin at tumawa ako.

"Opo, Lola..."

Hindi lang iyong boss ko kung hindi marami pa, nagbibigay sila ng flowers sa akin at nagiging suki na namin madalas, kaya minsan ako pa ang pinagluluto ng boss namin. Hindi naman din ako makatanggi dahil sa trabahong iyon.

Halos bugbog yata ang katawan ko.

"Hijo, natanggap ka na ba sa pinapasukan mo sa Maynila?" pag-iiba nang usapan ni Lola Feb kay Alfred.

"Oo la, malapit na."

Tumango naman si Lola.

"Malamang ay marami ka ring makikitang mas maganda pa kay Ivy kaya kahit anong mangyari huwag na huwag mong ipagpapalit ang apo ko..."

Tumango na lamang ito at pinasadahan ng tingin ang aking katawan, napaiwas ako ng tingin. His stare, anong ibig sabihin niyon? I'm too uncomfortable talaga kapag si Alfred na ang kaharap namin, hindi ko alam o ako lang.

Ang weird niya, anong problema niya? Suot ko lang naman ay ang duster ni Lola Feb bukod duon wala na, natatakot ako sa kanya o baka OA lang ako. Kailanman hindi naman napalitan ang lalaking nandito sa akin.

Siguro masaya na siya o baka kasal na siya sa Ate ko, well that's good. Masaya na si Ate ngayon, hindi na siya mahihirapan sa akin dahil malayo na ako. Alang-alang kay ate lahat naman gagawin ko, huwag na lang siya magalit sa akin.

Kinabukasan ay linggo, namalengke ako nang mga lulutuin ngayon, sinigang ang gusto kong lutuin dahil bagong sweldo. Suot ko pa rin ang duster, bali sampo itong klase na ibinigay sa akin ni Lola at maganda at bagay na bagay sa akin, habang nakabuhaghag ang nakahighlight kong buhok, mas humahaba na siya kumpara noon.

"Magkano po ito?" tanong ko sa ale.

"One fifty kalahating kilo," sagot niya. Ano?! Ang mahal! Grabe naman ang overprized! Dinaig pa 'yung nagtitinda ng turon sa labas. Teka, nahahaluan na ba ako ng accent nila? "Ate, ang ganda mo naman..." puri niya at ngumuso na lamang ako.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now