Chapter 27

31 2 0
                                    

Pregnant



Pagkagising ko ay hindi na rin ako makatayo sa sobrang sakit ng katawan ko, kinapa ko ang katabi ng aking kama at wala na akong nadatnan. Umalis na si Relius ngayon? Tumingin ako sa wallclock. Shocks, alas otso na! Hindi man lang ako ginising!

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at nakita ko na lang si Tita Daniela doon nagkakape, wala ang magkapatid ngayon. Hinanap ko naman ng mata silang dalawa at nakita ko sa may veranda si Relius and Riley na nag-uusap.

Pupunta na sana ako sa gawi nila nang marinig kung sino ang pinag-uusapan ng dalawa, at ako 'yun.

"Kailan mo sasabihin ang totoo sa kaniya, Kuya? Hindi na ako makapaghintay, kukuhanin ko na siya sa 'yo dahil totoo man o hindi, pagbaliktarin man ang mundo, sa akin pa rin siya, walang tumapos sa relasyon naming dalawa, Kuya..." mahinang sambit ni Riley.

Nanduon ako sa sulok nakikinig, pero hindi ko lang alam bakit nila ako pinag-uusapan?

"Kuya, please nagmamakaawa ako," sambit ni Riley.

"H-hindi pwede, ako ang mahal niya... nakita mo naman hindi ba? Ako ang gusto niya kaysa sa 'yo simula pa nuon, nagtry ako. Tinulak ko siya paalis, pero tangina, Riley... 'di ko kaya, h-hindi ko kayang umalis siya at ibigay siya sa 'yo at kahit kailan sa akin na siya at hinding hindi ako papayag na kuhanin mo siya sa akin," sagot nito sa kaniyang kapatid.

"P-pero ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit siya nagluko sa akin! Tangina naman, mahal na mahal ko 'yung tao!" sigaw nito.

Napaupo ako sa sahig, anong pinag-uusapan nila? B-bakit parang ako ang tinutukoy na Adeline? Pero hindi, imposible. Nanatiling tahimik si Relius, nararamdaman ko ang malakas na pagbuntong hininga nito. Nakita ko na lang na kinuwelyuhan niya nito ang kapatid niya.

"K-kuya, please sabihin mo na ang totoo sa kaniya, ang tagal tagal kong hinintay 'to. Mahigit isang taon ng may namumuong relasyon sa inyo, at alam ko... a-alam kong binibigay niya sa 'yo ang katawan niya, alam ko 'yon, Kuya... p-pero tangina naman, alam mong may naghihintay sa kaniya, alam mong may boyfriend siya." Paliwanag nito. Napaiyak ako, namutawi ang lungkot at pait sa kaniyang mga mata.

"Darating din ang araw na pagsisisihan mo lahat ng ito, Kuya..." sagot niya. Sumakit ang aking dibdib, totoo ba talaga lahat ng 'yon? N-na ako nga talaga si Adeline? Kaya ba ako nananaginip ng ganuon?

Pinilit kong hindi maniwala, gusto kong hingin ang paliwanag ni Relius na baka naman may dahilan lang siya kaya niya tinago sa akin lahat. Kahit kasi hanggang ngayon, hindi ko naman siya maalala. Hindi maalala si Riley, kung mahal ko siya bakit wala man lang akong maramdaman?

Sumapit ang gabi at sinubukan kong hintayin si Relius, nagtagumpay ako at nakita kong nakainom na naman siya.

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang kaniyang mga mata.

"N-navi, d-don't leave me please..." pakiusap nito. Tumango naman agad ako kahit walang kasiguraduhan dahil mahal ko naman siya, mahal na mahal.

"H-hindi naman ako aalis Relius, please... huwag ka namang magsalita ng ganyan," sambit ko. Umangat ang kaniyang tingin at inatake niya ako ng halik.

Inangkin niya ako, hindi lang dito sa kama. Pati na rin sa kwarto, nararamdaman kong marahas ang pag-angkin niya sa akin na parang kahit kailan ay mawawala ako sa harapan niya. Tumingin ako rito at umulos na naman siya ng mabilis.

Hindi ko nararamdaman ang pag-iingat niya, napuputol na rin ang litid ng kaniyang pasensya.

Hindi rin siya nagsusuot ng proteksyon at pinuputok niya sa loob ko. Hindi siya ganito, hindi naman siya sobrang obsess sa akin eh.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now