Lola Feb
"A-ate..." tawag ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin, ngunit hindi ito ang inaasahan kong pagkikita namin. Yayakapin ko na sana siya nang sampalin niya ako, nagulat ako dahil halos tumabingi na ang aking panga dahil doon.
"Don't ever call me that again!" sigaw niya sa akin at tila nagngangalit ang kaniyang panga. Kaya parang pamilyar siya sa akin dahil siya ang ate ko. Kaya naman pala ganuon ang pakikitungo ni Relius sa kaniya dahil matagal niya na ring alam.
Kung hindi sinabi sa akin ni Riley, hindi ko malalaman. Ang tanga tanga ko! Umiling ako at pilit siyang nilapitan.
"You didn't deserve me and our family, Adeline. Napakaselfish mo!" sigaw niya sa akin.
"A-ate..."
"Nagpakamatay sila Mom and Dad dahil sa 'yo!" sigaw nito. Tila nanghina ang aking tuhod, hindi ko pa kaya ngayon pero bakit ang sakit sakit marinig. Kaya pala hindi sinasabi sa akin nang magkapatid lahat, tinulak niya ako at sinabunutan.
Matagal niya nang kinikimkim lahat ng galit niya sa akin, kung matagal ko nang alam lahat hindi na sana aabot sa ganito.
Ako ang dahilan nang lahat nang iyon, kaya rin pala wala siyang pakialam sa akin nuong sinugod ako sa hospital dahil mas masaya pa siya. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya ko, si Mommy and daddy. Hindi ko man lang sila nakasama nang matagal.
Umiling ako.
"Adelide, tama na..." pag-awat sa amin ni Relius. I felt guilty, feeling ko ang dahilan nang lahat. Kaya nagkaganon.
Ako dapat ang sisihin.
"A-ate sorry..."
"Handa ko namang ibigay si Relius sa 'yo... pero hindi na ngayon, huwag na ngayon... kahit pa may anak kayo, wala ka nang karapatan. Ayokong makita ang pagmuumukha mo rito," tiim bagang na sambit nito.
Hilam ang aking mga mata, tumingin ako sa gawi ni Relius at nakayuko na rin ito. Tama naman ang sinabi niya, simula noon pa man si Ate na at hindi ako, ito iyon. Ito ang sinasabi ko na sa oras na dumating si ate siya parin ang pipiliin niya.
Pinalis ko ang aking luha, hindi ko na kaya pang makitang pati si Ate Adelide nagsusuffer para sa akin, dahil naaalala niya sila Mommy and Daddy. They are precious to me, hindi ko naman din itatanggi iyon.
"S-sorry... hindi ko sinasadya, kasalanan ko..." sagot ko na lang.
"Kasalanan mo naman talaga, pati ang fiancee ko pa sinusubukan mong agawin, alam mo? Napakaselfish mo."
"S-sorry, Ate."
"U-umalis ka na... umalis na kayo ng anak mo!" sigaw niya sa akin.
"Adelide, that's enough. Wala silang matutuluyan..." mahinahong sagot nito. Sinabi rin sa akin ni Riley, na may diperensya na sa pag-iisip ang ate ko dahil nga sa pagkawala ng pamilya ko, kaya mahinahon si Relius sa kaniya.
Kung kakayanin ay susundin lahat ng utos, iyon lang naman daw ang nakakapagpasaya lalo pa't nagsusuffer si Ate sa depression. And hindi ko siya masisisi, ako ang may mali. Dapat naman talaga ako ang sisihin.
"Wala akong pakialam, kung mahal mo ako palayasin mo siya..."
"Moma..." tawag ng anak ko. Lumabas ito sa kaniyang kwarto at pinagpag ang sarili, nilapitan niya ako at niyakap. "Moma... aalis po tayu?" tanong niyas akin. "Tama po, ayaw ku po ditu... sungit po ng babaeng 'yan..." sabay turo sa ate ko.
Tumingin ako sa kaniya at nag-iwas siya nang tingin sa akin.
"Tatawagin ko po si Dada ha?" paalam niya ngunit hinawakan ko ang kaniyang kamay.
YOU ARE READING
To be married with (De Viola #3)
RomansaYuziel Navi Victoria, is a adopted of De Viola the wealthy family. She's rich, kind and beautiful nasa sa kaniya na ang lahat ng gugustuhin sa babae. She wants to be the best for her especially to her future husband. Aurelius Israel Montelbano, the...