Chapter 11

43 1 0
                                    

Adeline



Nagpatuloy ako sa pag-iwas sa kaniya hanggang sa ako na rin ang magsawa, nakakasawa kasing umiwas kaya kahit nandyan na siya sa tapat ko ay dinededma ko na lang siya. At kamalas malasan, nandito rin si Lyra, ang number one na lintang dikit nang dikit kay Aurelius.

Malamang, gusto nga iyon ni Relius iyon pa! She's childhood friend kaysa sa akin na ngayon palang nagsama.

"Hindi ko alam, bakit pumayag ka sa arrange marriage niyong dalawa? Poor you..." natatawang sagot ni Lyra kay Relius. Napakagat na lamang ako ng aking labi dahil sa binitawang salita ni Lyra habang nagtitimpla ako ng kape. Nakabalandra din ang legs ko, tanging polo ko lang ang suot dahil kakauwi ko lang galing school.

Hindi naman ako aware na dadating pala ang childhood friend niya kuno.

"Pwede ka namang umayaw doon, bakit mo pa papahirapan ang sarili mo, Relius? You can deny that fucking marriage... kaysa magsama kayong dalawa sa iisang bubong," sagot pa nito habang si Relius naman ay nagbabasa lamang ng libro.

"Shut up, Lyra... I'm reading... don't disturb me..." sabay irap.

Napansin ko rin sa kaniya na sa tuwing magbabasa siya hindi dapat siya iniistorbo dahil ang sabi sa akin ni Shienna nagagalit daw siya. As If I care? Nakalimutan mo yata ang sinabi ni Relius sa iyon, Navi? Tumingin pa ako ulit kay Relius na paminsan minsan ay tumitingin sa aking gawi.

Nang makita ko siyang nakatingin sa akin ay nag-iwas ito ng tingin, inirapan ko na lang siya dahil doon.

Ibinaba ko ang aking baso kasabay nuon ay naglakad ako sa gawi nila papuntang kwarto ko, hindi ko na lang sila tiningnan. Masyado naman siyang nag eenjoy kausap ang Lyra na 'yan, at medyo masakit lang dahil nalaman niya ang condo namin.

Hindi ko nga sinasabi kay Yasmin and Jen tapos siya ang dahil lang sabihin sa kaniya kung saan ito, kaagad akong napatalon nang tawagin ni Aurelius ang aking pangalan.

"Navi, you should eat first bago ka pumunta ng kwarto mo..." sagot ni Relius.

"N-no ayos lang ako, ayaw ko kasing kumain sa sala..."

"Then, ako na lang ang maghahatid ng pagkain mo sa kwarto mo, Navi." Kumunot ang aking noo at wala sa sariling tumango, magbabangayan na naman ba kami pagkatapos nito?

"Pwede naman siyang kumain sa sala, ang arte..." bulong ni Lyra sa akin. Well, wala na akong kasalanan duon, si Relius naman ang nag-insist na siya na ang magdadala duon sa kwarto ko, hindi ko siya pinilit.

"N-no need na pala, tommorow na---"

"No, kumain ka... hindi pwedeng magpalipas ka na naman ng gutom mo," sagot nito at nabigla ako dahil duon. H-he's worried about me? Hindi, imposible naman 'yun, alam kong hindi si Relius itong nasa harapan ko. Hindi niya ito gagawin.

Hindi na lang ako nagsalita at umakyat sa kwarto ko, my legs trembling, marupok ako I know, alam kong naapektuhan na naman ako sa sinabi niya kanina, nang makarating na sa kwarto ay humiga na lamang ako.

I will sleep early, maaga pa kasi ako bukas dahil susunduin ako ni Jerald dito, hindi kasama si Relius dahil hindi naman siya nagsasabi sa akin siguro ayaw niya nga. Hindi ko na lang siya pipilitin duon, hindi niya namang ugaling sumama sama.

Narinig ko agad ang pagbukas ng pinto, ikinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pumikit na, oo nga pala! Sinabi niya nga palang hahatidan niya ako ng food sa kwarto, ibinaba niya ang pagkain sa counter table ko at narinig ko ang yabag ng paa niya palapit.

"Navi, kumain ka muna..." mahinahon niya sambit.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama ko at nakapaharap ako sa kaniya, narinig ko naman ang pagngisi nito. Sinubukan niyang sundutin ang aking tagiliran at kaagad akong napabalikwas ng bangon.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now