Manghaharana
I will still in shocked about Relius told me, hindi ko alam na ganito ko siya sinaktan. I'm never been deserving to him at all. Wala akong ginawa simula pa noo, ni hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya. Hanggang ngayon wala pa rin akong ganang kumain.
"Lola..."
"Hija, nag-away ba kayo? Hindi ka lumalabas kagabi pa... nagpagrab na rin si Relius ng pagkain para sa 'yo kagabi pero hindi ka lumabas... masama ba pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Lola Feb at maingat lamang akong umiling.
"Lola, ayos lang po ba kayo rito once po na bumalik na po ako sa kanila? Hindi po ba kayo nalulungkot? Gustong gusto ko po kayong ilayo rito..." suhestiyon ko pa.
Huminga siya nang malalim at umiling, hinawakan ang aking kamay.
"Ayos lang ako rito, maayos naman ang lagay ko at kaya ko pang kumilos at magtrabaho... minamaliit mo naman ang lola Febby mo..." sagot nito sa akin at ngumuso na lamang ako.
"B-baka po---"
"Kung iniisip mo si Ivy ay wala siyang magagawa, sa akin nakapangalan ang lupa, kahit kailan hindi nila makukuha ito..." dagdag niya pa.
"Pangako ko po na babalik po ako rito, Lola... once po na may trabaho na po ako," pangako ko sa kaniya at ngumiti naman ito sa akin.
"Halika nga rito hija," sagot nito at lumapit naman ako para yakapin siya. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko. Ngumiti ako ng matamis dahil kahit anong gawin nila Ivy wala pa rin talaga silang magagawa sa lupa at mas maganda na kay Lola ito habang buhay.
Bumaba ako sa may kusina para sana magluto ng pagkain pero nakita ko si Aurelius na siya na ang nag-aayos. Hinanap ko si Kuya Cutler pero hindi ko na nakita, sinama niya yata ang anak ko.
"Si Elisia?" tanong ko.
"Sinama ng Kuya mo... nag-aaya na ring umuwi si Elisia..."
"Ha? At bakit?!"
"Dahil gusto niya raw makita ang tita niya..." paliwanag nito. Si Lesha ba ang tinutukoy nito? Kung ganuon ay nagkabalikan na sila? Hindi man lang sinabi sa akin at wala pang paalam! Kahit si Relius hindi man lang sinasabi.
Tumango na lang ako, alam ko naman na aalagaan niya ang pamangkin niya at hindi na rin ako mag-aalala dahil magaling mag-alaga ang Kuya Cutler. Pro na rin kasi minsan sa batang pasyente niya minsan at naaadapt niya na ito.
"Kumain ka na?" tanong niya sa akin. "Si Lola nauna na rin dahil may pupuntahan siya ngayon..." pahabol niya pa. Lola? Kailan niya pa naging Lola si Lola Feb?
Umupo ako sa mesa at hinintay na lang din akong lagyan ni Relius ng pagkain sa hapag at kinain na lang ito. Ngumiti naman ito habang nilalantakan ko ang manok na inorder niya, at bakit naman tawang tawa?
"Nako, gutom na gutom ah?" biro ni Lola Febby. Nakita ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko ang pagluwa ni Ivy doon na masama ang mukha. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Syempre po, napagod po kasi ang misis ko..." nabulunan ako sa kaniyang sinagot kay Lola. Dali dali naman akong kinuhanan ng tubig ni Relius at ibinigay sa akin na siyang ininom ko. Wala na akong pakialam kung ano pang isipin ng lalaking ito.
Ano ba kasing pumasok sa kokote niya? Bakit bigla na naman siyang naging ganito sa akin?
Hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin dahil sa kakulitan niya.
"Hay, kaya pala iba ang amoy ng bahay at pinilit na lang umuwi kasama ang tito niya..."
"May girlfriend na ba iyon Lola?" tanong ni Ivy.
![](https://img.wattpad.com/cover/345641256-288-k263601.jpg)
YOU ARE READING
To be married with (De Viola #3)
RomanceYuziel Navi Victoria, is a adopted of De Viola the wealthy family. She's rich, kind and beautiful nasa sa kaniya na ang lahat ng gugustuhin sa babae. She wants to be the best for her especially to her future husband. Aurelius Israel Montelbano, the...