Chapter 18

29 0 0
                                    

Stole



Pili lang ang binigay ko sa sales lady, syempre may hiya naman ako kahit papaano. Kaso bigla namang sumulpot si Relius at kinuha lahat ng damit na pinagpilian ko. Lahat ng 'yon ay may kamahalan kaya tinira ko na lang din.

"Sir?"

"Lahat 'yan..."

"Relius, no. Hindi ko naman masusuot lahat 'yan..." sagot ko sa kaniya.

"You will, atleast you have some spare of dress, wala lang sa akin Navi... grab all you want ako na magbabayad, mamaya ay mag-gogrocery pa tayo..." sabay ngiti. Nang sabihin nito ay naiwan na naman ako ron.

"Maam, boyfriend niyo po 'yon?" tanong ng sales lady at maingat naman akong tumango.

"Y-yes, why?"

"Wala lang naman po Maam, ang gwapo lang po..." sabay ngiti at ngumiti na rin ako. I just want to finish this, ayoko ng tingin niya sa boyfriend ko. "Sana lang ganyan din ang makatuluyan ko, hindi puro papogi lang kung hindi ay may kaya rin katulad niya..." sabay ngiti.

Napatango ako, hindi mo lang alam kung paano ako naging desperada sa kaniya. Hindi na lang ako nagsalita at tumango na lang din, nang papunta na sana ako sa gawi ni Relius ay nakita kong kausap niya na si Lyra.

Teka? Bakit na naman siya nandito?

"Sinamahan mo siya?"

"Yep, may dinner kami with my family."

"At kasama mo siya?" tanong na naman ni Lyra. Ang kulit ha? Hindi ka ba makapaniwala na pinatulan ako ng boy bestfriend mo. Halos umasim ang mukha nito dahil sa pagtango ni Relius.

"Bakit?" kaagad na tanong nito at tila hindi nagustuhan ang sagot ng binata.

"Dahil girlfriend ko na siya," sagot nito sa kaniya at nakapamulsa pa siya. Lumingon ito sa gawi ko, ngumiti ito.

"Relius, mauuna na ako..."

"Ako na ang magdadala..." presinta ni Relius. Tumingin ako kay Lyra na masama ang tingin, hindi yata makapaniwala na naging ganito si Relius sa akin. At ano naman kung ganon? Si Relius naman ang may gawa ng lahat ng ito, hindi ko siya pinapayagan pero makulit siya.

"What do you mean kayo na?" natatawang tanong ni Lyra. Hindi ito makapaniwalang naririnig niya ito mula sa kaniya, nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Lyra, kami na. Hindi mo ba maintindihan? We're in a relationship..."

"I know you're not into that kind of thing, bakit mo naman naisip na magkaroon ng relasyon sa kaniya?" natatawang tanong nito. "At ikaw ano na namang ginawa mo sa kaniya? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" seryosong tanong nito sa akin.

"I don't know, tanong mo diyan sa kaibigan mo, hindi ko rin alam bakit siya baliw na baliw sa akin," sabay taas ng aking kilay.

"Relius, you said it. You can't be in a relationship! Ano 'to!" halos tumaas ang boses nito.

"Lyra, ano bang pakialam mo?" inis na tanong nito sa kaniya at nagulat ito dahil doon. Hinawakan nito ang aking kamay at tumingin doon. "Kami na, dapat masaya ka sa amin Lyra..."

"Hindi. Anong magiging masaya? Hindi ka ba natatakot?"

"At bakit naman ako matatakot?"

"Ampon iyan... hindi mo ba alam?"

"Alam ko." Tanging sagot nito at tumingin ako rito na seryosong nakatingin sa akin, napakagat ako ng aking pang-ibabang labi. "At wala namang mali sa kaniya? Walang mali sa pagiging ampon, Lyra." Pahabol nito.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now