Love
"W-what do you mean?" tanong ko.
"You're better than her, Navi..." sagot nito at napakunot ang aking noo. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpasya na lang na mahiga, akma itong hihiga sa aking tabi ng tingnan ko siya.
"Saan ka naman matutulog?"
"Sa tabi mo..."
"Relius!" inis na bawal ko rito at napangiti ito sa akin. I don't understand him, hindi ko alam kung anong nilalaro nito ngayon at ako ang pinagtitripan niya.
"I'm serious, Navi... I like you," walang alinlangan niyang sambit at huminga na lamang ako nang malalim. Ano bang magagawa ko? Nandyan na siya. Hindi ko naman siya mapipigilan sa kung ano man ang gawin niya sa akin.
I rolled my eyes and continue to sleep. Hindi ko na lang siya pinansin at patalikod na pumahiga sa kaniya. Nagulat ako nang kuhanin niya ang aking tiyan at ilapit papalapit sa akin. Inis akong tumingin sa kaniya at ngumiti lamang ito.
"Don't you ever do something again, Aurelius." Banta ko sa kaniya.
"Wala po akong gagawin, hug lang..." sagot nito at inirapan na lamang siya.
"Baliw."
"Sa 'yo."
Hindi ko na lang siya pinansin, wala sa sariling napangiti ako. Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na rin ba ako katulad ni Relius? Hindi na lang ako nag-isip ng kung ano hanggang sa makatulog na ako, pagkagising ay narinig kong may nagluluto sa kusina.
I though it was Manang Cyntia, si Relius iyon.
He's topless again, meron namang damit sa cabinet niya bakit ang hilig niyang magtopless? Bumaba ako at pumunta sa kusina, hindi alintana ang presensya ko, at nang maramdaman ay tumingin ito sa akin.
"Hi, love!" bungad nito. Irita akong tumingin sa kaniya at natawa na lamang ito, hinandaan niya pa nga ako ng kung ano ano.
"Ang dami nito, Aurelius!" inis na reklamo ko.
"You're not the only will eat, ako rin..."
Nandoon ang Papeta par Eda, tortilla breakfast wrap, full irish breakfast, pancakes, egg-stuffed bacon and chees muffins at kung ano ano pa. What the heck hindi yata lalampas sa sampu lahat. Kami lang naman ang kakain nito.
"Sungit."
Inirapan ko siya.
"What the hell is happening---"
"I'm inlove that's why..."
"Sino naman kinababaliwan mo ngayon?" inis na tanong ko sa kaniya at kumibit balikat lamang ito, nagulat ako nang halikan nito ako sa aking labi.
"Ikaw lang, Navi..."
Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo at nag-iwas na lang ng tingin, kumain ako ng pancakes na hinanda niya sa akin at sumubo rin naman siya.
"Sabihin mo sa batang Ronaldo, maglaban kaming dalawa tingnan ko kung sino ang mananalo... hindi pwedeng sagutin mo siya, Navi..."
"At paano kung sagutin ko siya mismo ngayon?" tanong ko sa kaniya at kumagat ito ng omellet niya.
"Aagawin kita sa kaniya..."
"You can't do that! Palalabasin kitang kabit, kapag nagkataon gusto mo ba 'yon? Ayaw mo rin naman ng commitment and assurance so--"
"I will, at isa pa kahit sagutin mo siya hindi ka pa rin makakatakas sa akin... sinabi ko sa 'yo, Navi. Once I fall for you, you will not turning youself back, hindi ka makakaatras..." sagot nito sa akin at huminga nang malalim.
YOU ARE READING
To be married with (De Viola #3)
RomanceYuziel Navi Victoria, is a adopted of De Viola the wealthy family. She's rich, kind and beautiful nasa sa kaniya na ang lahat ng gugustuhin sa babae. She wants to be the best for her especially to her future husband. Aurelius Israel Montelbano, the...