Patay na patay
Dalawang linggo din akong naconfine pero matapos non ay umuwi na rin ako sa bahay, hindi ko maiwanan si Lola Feb dahil siya na lang din ang mahalaga sa akin. Hindi ko siya pwedeng iwanan kay Ivy.
Si Alfredo naman ay nakulong, papahirapan pa sana ng kapatid ko pero ako na ang nagpumigil sa kanila kaya pinakulong na lang namin. Umuwi Kuya Augustus dahil may trabaho pa, si Kuya Cutler at Relius ang nagbantay sa akin ngayon hanggang sa makauwi ako.
Natawa ako dahil hindi sanay ang pangalawang kapatid ko sa gawaing bahay, nasanay kasi siyang may katulong kaya ayan.
Spoiled din kasi kaya ngayon ay nahihirapan, nagsuggest naman ako na umuwi at sumama na rin kay Kuya Augustus, ngunit sinabi niya sa akin na babantayan niya raw si Relius.
Wala si Lola at naghanap ng mangga sa palengke at mga iluluto para na rin sa bisita niya, naiwan kaming apat kasama naman si Ivy na panay ang tingin sa dalawa. Hindi ko na lang din siya pinapansin na kahit pa mukhang type niya si Kuya Cutler at si Relius.
Si relius ang naglalaba ng damit ko, nakalimutan kong kuhanin ang panty at bra pala kaya pumunta ako sa labas at nakitang naglalaba ito. Napatunganga ako nang makitang nilalabhan niya ang aking bra, ngumisi naman ito at tumingin sa akin sabay kindat.
"Akina ako na maglalaba ng panloob ko," presinta ko ngunit iniwas niya sa akin iyon. Itinaas niya at nakangisi namang tumingin. Tinalon ko naman iyon at napahawak sa kaniyang matikas na dibdib, ngumisi ito nang magtagal ang tingin niya sa akin.
"So you have a bigger size of boobs now, huh?" akmang dudukwang para ilapit ang mukha niya sa akin ngunit tinapakan ko lang ang kaniyang paa at kaagad niyang ininda iyon. Ngumuso ako at nakita ko ang palabas na si Elisia.
"Baby..."
"Moma, sino iyan?"
"Hi, Elisia ako ito daddy mo..." sinamaan ko ng tingin si Relius. Para kaming walang pinagdaanan na problema ngayon, hindi ko na lang siya pinansin. Ngumuso ang bata habang nakatingin sa kanila, they are cute together talaga nga namang mag-ama sila pero bakit parang girl version siya ng ama niya?
"Daddy nasaan po si Dad? Diba po two kayo na daddy ko?"
"Nasa ibang kamay na 'yun, may baby na ring iba kaya huwag ka ng maghanap ng ibang dada ako nalang... ako naman ang mahal ng moma mo..." sagot niya sabay gulo sa buhok ng anak namin. Nakita ko si Ivy na nakatulala habang nakatingin sa akin na parang gulantang parin.
"Bakit parang hindi kayo ayos ng ama ng bata? Nagsinungaling ka pa sa amin na wala kang asawa?" nakataas na kilay nito.
"Talaga namang wala ng ama ang bata noon, bumalik na lang ngayon..." sagot ko naman sa kaniya at bahagyang umirap pa na parang ang laki laki ng problema niya.
"Ang gwapo naman... mayaman naman, choosy ka pa ba?"
"Hindi ko naman pinakikialaman ang buhay ng iba, pero bakit ikaw hobby mo naman yata?" inis na tanong ko.
"Sinasabi ko lang, baka mamaya may umagaw diyan... sige ka..."
"Type mo?" inis na tanong ko.
"Oo, gwapo naman tyaka iyong kapatid mong isa type ko rin... matik pag gwapo type ko na..." pambabara niya.
"Pero bakit si Alfred pinatulan mo kung gusto mo lang pala ng gwapo?"
"Sinasabi mo bang pangit si Alfred?!"
"Oo..." walang pakundangan na sagot ko sa kaniya. Umalis na ako sa kaniyang tabi at baka hindi ko gusto ang mangyayari sa amin kapag matagal kaming nag-usap. Kung type niya nga e 'di sa kaniya na! Gago pala sila eh.
YOU ARE READING
To be married with (De Viola #3)
RomanceYuziel Navi Victoria, is a adopted of De Viola the wealthy family. She's rich, kind and beautiful nasa sa kaniya na ang lahat ng gugustuhin sa babae. She wants to be the best for her especially to her future husband. Aurelius Israel Montelbano, the...