Chapter 25

23 0 0
                                    

Chocolate



"Hijo, ano bang nangyayari?" alalang tanong ni Tita Danica. Hindi rin ako makapaniwala na aawayin ni Relius ang kapatid niya kaya inawat ko na sila, ako na rin ang pumagitna para hindi na siya makasakit pa.

"Lumayo ka riyan, Navi!" sigaw ni Relius sa akin habang nanlilisik ang kaniyang mata. Dinaluyan ako ng takot dahil duon.

"Relius, tinuturuan lang ako ni Riley!" sigaw na sagot ko sa kaniya habang ang kaniyang paghinga ay parang gusto paring pumatay. Gusto niya pa ring saktan si Riley, napasigaw ako nang hiklatin ni Relius ang aking braso at nag-ibang anyo siya.

"Don't you dare to touch her again. Sinasabi ko sa 'yo Riley..." banta nito sa kaniyang kapatid.

"Teka nga. Ano bang nangyayari rito huh?" tanong ni Tita Danica.

"No, Mom. Wala ka na rito..." sambit ni Relius at kinuha ni Relius ang aking kamay at kinaladkad. Napatiim bagang ito, hindi ko alam pero natatakot ako sa kaniya.

"Aurelius, hindi ko alam bakit ka nagiging ganito?" tanong ko sa kaniya. Nang maipasok niya ako sa kwarto ay kaagad niya akong hinagis sa kama, hindi ko alam pero walang halong pag-iingat ang mga 'yon. Napabuntong hininga ito.

"Bakit, Navi?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko rin expect na ikikiss niya ako, I don't know... baka may saltik lang siya..."

"Kung hindi ako dumating hindi mo siya pipigilan!" sigaw niya at dumagundong ang kaniyang boses sa buong kwarto. Nawiwindang ako, he's like beast.

"Look, kung ang iniisip mo ay magkakagusto ako sa kaniya at magkakaroon ng third party sa relasyon natin then stop minding that! You know Relius... isang taon na tayo at kahit kailan hindi naman ako nagkaroon ng iba, even Ronald courting me that time, binasted ko siya..." sagot ko sa kaniya.

And Ronald respect my decisions, even Relius, he respect him.

"Kung hindi ka nagtitiwala sa akin, then we can end this relationship---"

"Don't dare to say that, Navi!" sigaw na pigil niya. Napasabunot ito ng buhok, hindi ko alam kung ano bang irereact ko ngayon, naiinis ako sa kaniya. "I know. At nagtitiwala ako sa 'yo pero kay Riley kahit kailan hindi ako nagtiwala sa kapatid ko," sagot nito.

"Oo nga, siguro gumaganti lang siya sa 'yo kasi inagaw mo sa kaniya si Adeline hindi ba?" takhang tanong ko.

Huminga naman ito nang malalim.

"At natatakot ako sa 'yo, natatakot ako sa pwede mong gawin sa akin na baka in the end saktan mo ako, ayoko ng ganun Relius. P-please don't hurt me, h-huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan na parang magpapapaagaw ako sa 'yo kasi kahit kailan nandito ako, nandito ako para mahalin ka. That's love, b-because I-I love you more than else..." amin ko sabay ng pahid ng aking luha.

Tumahimik ito.

Nakatingin siya sa akin ng malamlam, malalim na parang kahit anong oras mawawala ako sa harapan niya, lumapit ito sa akin at nagsimulang halikan ako. It's aggressive, hindi ko alam ang irereact ko ngayon.

"Please Relius, don't do that again..." pakiusap ko sa kaniya.

"Y-yes, I'm sorry love..." sambit nito. "Let's sleep."

"I want to learn how to cook, gusto kitang pagsilbihan Relius kasi nakakahiya na baka mamaya may masabi sila sa akin. Hindi kasi ako marunong magluto so that's the reason I'm with Riley, sabi rin ni Tita Danica sa akin ay siya raw ang chef niyo rito so nagpaturo ako sa kaniya, that's my surprise for you sana kaso nagalit ka naman..."

"Because Riley will hit you, hindi mo nakita? Hinalikan ka niya..."

"Hindi ko gusto ang halik niya, maniwala ka!" sumbong ko na parang bata.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now