Chapter 33

29 3 0
                                    

Akin



Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon, kaagad akong nainis at tinulak siya palayo. Anong ginagawa niya? Wala naman dapat akong maramdaman pero lintek. Ano ba ito? Mali kasi dahil may fiancee siya tapos sinasabi niya sa akin ang mga 'yon.

Hinalikan nya pa ako. Dahil sa pagkabigla ay kaaagad ko siyang sinampal. Napalakas yata pero wala na akong pakialam, bakit niya kasi ako hinalikan?

"Why did you kissed me?" naguguluhang tanong ko. His kiss is familiar, wala naman akong nakahalikan bukod kay Riley. Siya lang naman, wala ng iba. Ngumiti naman ito nang nakakaloko sa akin, tinulak ko siya at akmang aakyat na ngunit narinig ko ang binulong niya.

"Try to escape me?"

"Baliw."

"No, ikaw yata ang mas baliw sa atin..." taas saludong sagot nito at inirapan ko na lamang siya at pilit na kinuha ang aking braso sa kaniya. "Let go of me, damn it. May fiancee ka at hindi tama ang ginawa mo, nanghalik ka ng ibang babae."

"Hindi naman 'yun magagalit," sagot niya sa akin.

"At bakit? Tanga ba siya para hindi magalit?" inis na tanong ko na.

"Oo nga, tanga nga yata at hindi ako maalala..." inis na tumingin ako sa kaniya. Bakit parang tinamaan yata ako. "Hindi mo ba talaga ako maalala?" tanong niya na naman.

"Hindi nga ako si Navi, kulit mo naman..."

"Ikaw iyon, 'yung makulit na bata..." nagtaas ako ng kilay. Bata pala huh?

"Relius..." tawag ni Lyra at nagulat ako nang makitang nakatingin na sila sa aming dalawa. Nakatitig pa rin sa akin ang lalaki kaya ako na ang unang umalis ng tingin at umakyat sa kwarto namin ng anak ko. Tila wala naman bago at naramdaman ang lalaki kahit hinalikan niya ako.

Bakit ganuon siya? He's so heartless. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng asawa niya o fiancee niya or whatever. Hindi ko mapigilang magtaka dahil pamilyar talaga ang lalaking iyon na parang nakilala ko na siya matagal na.

Pero what if deja vu lang.

Sinubukan kong itext si Shienna at tinanong ko kung may ginagawa ba siya pero ang sabi niya naman ay wala kaya ayos lang din naman sa akin. Tumingin ako sa oras at alas-otso palang ng gabi, bukas kaya?

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ko an sa kabilang linya.

"Wala naman, bakit?" tanong niya sa akin.

"I want to talk to you, Shienna. About me, wala naman ang asawa ko kaya ayos lang siguro." Sagot ko at natawa naman na ito.

"Tsss... kaya nga, halata namang kailangan nating mag-usap." Sagot naman nito.

"B-bukas, siguro mga tanghalian?"

"Hina mo naman, gabi na para party party tayo..." sagot niya sa akin at tumango na lamang ako sa kaniya.

"O-okay, can you send me the location? Para malaman ko kung saan na tayo magkikita..."

"Nah, sunduin nalang kita..."

"No, it's okay naman. Ang layo niyo eh..."

"Tss. Dadaan din naman ako at may kukuhanin din sa bahay, may regalo si Kuya Relius sa akin eh..." sagot nito at tumango na lamang ako. Okay. Ngumiti ako at nagpaalam na, tumingin ako sa gawi ng aking anak na ngayon ay kumikibot kibot na ang labi nito.

Pinagmasdan ko ngang mabuti ang mukha niya, and may point si Tita Daniela sa sinasabi niya. Bakit mas kamukha niya ang tito relius niya? Siya siguro ang pinaglihian ko. No wonder, pogi naman ang tito niya.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now