Chapter 9

35 0 0
                                    

Sick



Nangiti ako habang nagsusungit siya nang ganun, mas lalo siyang pumopogi. He's cute when he's mad! Nakatanaw ako sa bintana at napagpasyahang magpaturo ng pagluluto sa Yaya namin, ngunit nagtaka ako nang wala na rito ang Yayang babae na kahapon ko lang nakita.

Pero may nakita akong Manang, she's like mid 50 at may wrinkels na rin.

"Uh... nasaan na po 'yung Yaya kahapon? Iyong sexy na malaki ang boobs?" tanong ko sa kaniya at natawa naman ito.

"Wala na, sinisante iyon ni Sir Relius at ako ang pinalit... hindi ko nga rin alam bakit ako nilipat dito, alam ko na ang dahilan..." siguradong sambit nito at tumango ako. "Ako ang magluluto para sa fiancee niya at ako na rin ang mag-aalaga sa 'yo simula ngayon..."

"E-eh? Nasaan naman po si Relius? Hindi ba siya babalik dito? Kaya ko naman po ang self ko, Manang..." sagot ko sa kaniya.

"Busy iyon, lalo na't pinagsasabay niya ang business nila at ang pag-aaral niya..." mas lalo akong nalungkot, hindi ba siya makakabalik agad? "Hindi iyon uuwi ng gabi ngayon, panigurado trabaho na naman... kumain ka na ba hija?" tanong niya sa akin.

"I-im fine naman po," sagot ko. Hindi ko alam, parang feeling ko ang boring naman yata ng life naming dalawa rito kung puro trabaho lamang siya at wala siyang time sa akin, I know! Kapag kaya may nakikita akong movie at mag-asawa sa movie ay sweet naman sila sa isa't isa.

Mas lalo akong nalungkot, nagpasya na lamang akong matulog kaysa sa maghintay sa kaniya, oo at tama nga si Manang Cyntia, hindi nga umuwi ngayong gabi. Hindi niya man lang ako inuwian at dito lang ako.

Malungkot akong pumunta sa sala, nagningning ang aking mata nang makitang may nakahandang pagkain sa mesa.

"OMG! Luto niyo po ito?" manghang tanong ko sa kaniya. "Pinaluto po ito ni Relius ito para sa akin?" takhang tanong ko. Alam kong si Relius ang nag-utos nito para hindi na iyon mag-alala. Ngumiti ako habang kumakain.

"Hindi niya sinabi 'yan, ganyan na talaga ang duty ko sa 'yo, Navi..." sagot nito at ngumuso ako. Bigla akong nalumbay nang sabihin niya 'yon sa akin. Wala talagang pake sa akin si Relius! Aminin mo na, Navi!

"Sabay na po kayo sa akin, Manang. Total wala naman po akong kasabay at nakakalungkot pong kumain mag-isa..." sagot ko sa kaniya.

"Ayos na ako rito, hija... ayos lang naman at kumain na ako..."

"But Manang, gusto ko pong makasama ka ritong kumain..." sagot ko sa kaniya at wala naman na itong nagawa sa huli at napapalakpak na ako.

Dinaldal ko talaga si Manang hanggang sa marindi siya sa boses ko, nawawala kasi saglit ang problema ko kapag may dinadaldal ako at may kinakausap.

"Maganda ka, Navi... huwag mong masyadong pwersahin ang sarili mong magustuhan ka dahil sila ang kusang magkakagusto sa 'yo..." sabay ngiti nito sa akin. Ngumuso ako, wala naman akong masabi at parang natamaan sa sinabi niya.

"Inaarrange po kami, Manang... hindi niya po yata gustong nandito ako... I felt it..." sagot ko pa rito at kumain pa ako.

"Ako lang po ang may gusto nito so karma ko ito sa pagiging desperada ko sa kaniya..." sabay kain ulit at ngumiti na lamang ito.

"Marami na iyong naging babae, wala ni isang nagpalambot ng puso niya..." sagot nito sa akin at tumango na lang ako.

"But sabi niya po may childhood friend daw po siya na first love, sino kaya 'yun?" tanong ko sa kaniya. "Do you know, Manang Cyntia? Maganda siguro at mabait ang babaeng iyon kaya nagustuhan ni Relius."

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now