Chapter 38

60 2 0
                                    

About Hendrick and Ynna



Hindi ko na sinamahan pang magjogging si Aurelius, bahala naman na siya sa buhay niya. Naglinis na lang ako ng bahay para mas presentable naman ang bahay, nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal noon ang lalaki.

Hindi ko siya pinansin, habang nagpupunas ng lamesa. Naghugas pa ako ng mga plato na ginamit kanina, isasalansan ko na sana nang mapasinghap nang yakapin ako ni Aurelius mula sa likuran. Mula sa pagkakatayo ay nabato ako.

"Aurelius, alis ka diyan..." pilit kong inaalis ang matikas na bisig ngunit mas malakas ang pwersa niya kaysa sa akin.

"I love you... I miss you..."

"Tumabi ka muna at hindi pa ako yari sa linisin ko..." sagot ko sa kaniya. Ngumuso ito at hinayaan na lang munang ganoon. Ilang minuto ang lumipas ganuon pa rin, nakayakap pa rin siya sa akin.

"Why are you wearing this dress? Ang ganda mo lalo..."

Napairap na lamang ako, naramdaman ko ang pagsinghot nito sa aking bandang leeg.

"Ang bango mo pa, ang sarap sarap mo sigurong tikman," naestatwa ako dahil doon. Napuno ng katahimikan, naalala ko ang mga binitawang salita ng lalaking muntik ng gumalaw sa akin ngunit pinaharap niya ako.

"Mukha ba akong rapist?" tanong niya ngunit umiling lang ako. "Navi... hindi ko naman gagawin iyon kung hindi ka pa handa, I'm willing to wait."

Hindi na lang ako nagsalita, hinagkan niya ang aking noo. Nanatili akong tahimik, unti unting lumuwag ang kaniyang pagkakayapos sa akin. Parang linta talaga.

"Navi..." tawag niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin, hindi pa ako handa sa ganito. Anong nararamdaman ko? Nag-iinit ang aking katawan kapag kasama ko siya, at siya lang ang hinayahaan kong hawakan ako ng ganuon.

Tarantang taranta ako habang naglilinis, matatapilok na sana ako ng may yumapos sa aking bewang, pinaharap niya ako. Parang naging slow motion lahat pati sa pagtingin niya sa akin. Ngumiti naman ito sa akin, wala naman sana akong kinain o ano man pero bakit parang may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para lumayo, pumunta ako sa kwarto at nilock iyon. Ang tagal naman nila, anong oras narin ah?

Nag-ayos ako ng aking sarili, itinalik ko ang aking buhok na pa-bun at nag-iwan ng tikas na buhok, pinagmasdan ang sarili at ayos naman na. Lumabas naman ako at nakita si Relius an nandoon sa sofa, nakaupo at nagkakape na naman.

May itinitipa sa cellphone niya, hindi ko magawang silipin. Si Ate Adelide pa ang kachat niya? Bakit pa ba siya pumupunta rito kung si Ate Adelide pa rin? Dapat naman talaga ay masaya ako sa kanila.

"Kamusta naman na si Hendrick?" tanong niya sa kabilang cellphone. Sinong Hendrick?

"Ayos naman siya, kamusta ka na riyan? Ayos lang ang bata rito at si Ynna..." sagot ni Ate Adelide. May pangalawang anak sila? Kailan pa? Alam ko naman eh... dapat nga ready na ako sa ganito pero bakit ang sakit sakit?

Mas lalong sumama ang loob ko sa kaniya.

"I want to see her, Relius... iuwi mo na siya rito please..." sagot niya at kumunot naman ang noo ko. Malabong ako iyon dahil masyadong iwas sa akin si Ate Adelide at malamang galit pa rin, siguro ay ang anak ko.

Siya lang naman ang minsan nakakausap niya. Babalik na ba siya sa totoo niyang pamilya? Hindi ko kaya, hindi ko pa kaya pero ano pa bang karapatan ko? Pumunta ako sa kwarto, hindi na ako lumabas hanggang sa gumabi. Wala pa rin ba sila?

Anong oras na ah?

Kaya ba pumunta si Aurelius dito para kuhanin ang anak ko at kuhanin sa akin? Napailing ako, unti unting namuo sa isipan ko ang ideyang iyon.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now