Chapter 28

25 1 0
                                    

Ala-ala



"H-hindi naman siguro totoo 'yan, mali ka lang siguro Zell... alam ko, ayaw mo naman talaga sa akin simula pa nuon at gusto mo silang dalawang dalawa nila Lyra at Relius ang magkatuluyan, but this time palalampasin muna kita," sagot ko na lang sa kaniya.

"Navi, nasa sa 'yo na lang 'yan kung hindi ka maniniwala sa akin," sagot nito sabay buntong hininga. 'Di ako makakibo na parang tinamaan ako.

"Hinding hindi talaga ako maniniwala sa 'yo! At kilala ko siya, kilalang kilala ko siya... nagbago siya, binago ko siya, alam niya naman siguro na ikakasira namin kung may mabuntis siyang iba, aware naman siya..."

"Nasaan ba si Relius ngayon?" tanong ni Yasmin sa akin.

"Business trip, may project silang ginagawa eh so magtatagal siya ron, pinangako naman niya sa akin na babalik siya," paliwanag ko na rin. Tumango na lamang si Yasmin at masama itong tumingin kay Zell.

"Umalis ka na rito, hindi ka namin kailangan," sagot ni Yasmin at tumango naman si Jen dito. Hindi na rin naman siya nagtagal at nagpasya na ring umalis. Nakahinga ako ng maluwag doon, 'di na muna ako mag-oopen ng social media ko.

Hindi ako naniniwala kung hindi niya aaminin sa akin, nagtitiwala naman ako sa boyfriend ko. Malaki na rin naman ang tiwala ko sa kaniya at siya na mismo ang nagsabing, wala siyang gagawing ikakagalit ko ngayon.

Pag-uwi ko ng condo, ay walang tumambad sa akin. Madilim ang loob, wala pa rin pala si Manang Cyntia ngayon, namimiss ko na siya. Ilang oras pa akong naghintay at nagbabakasakaling umuwi si Relius dahil kahit alam kong may ginagawa silang project 'di ko pa rin matanggihan ang puso ko na mag-alala sa nangyayari sa buhay niya.

Naguguluhan na rin ako.

Hindi ko maintindihan. Naniniwala ako sa kaniya.

Gabi naman at alam ko naman sigurong wala nang ginagawa si Relius ngayon kaya napag-isipan kong tumawag sa kaniyan ng ganitong oras at nagring naman ang cellphone nito. Natuwa ako nang sagutin niya ang tawag ngunit para akong natuliro kung sino ang sumagot non.

Si Lyra.

"L-lyra? Si Aurelius nasaan?" tanong ko sa kaniya at napalunok ako nang mahina itong humahilinghing.

"Relius, ano ba! Teka, tumatawag girlfriend mo eh..." sagot ni Lyra sa kabila at kaagad nahulog ang cellphone ko. Tumingin ako sa pader kung saan ako nakaharap ngayon, hindi ko na hinintay pang sumagot si Relius dahil nararamdaman ko rin na siya ang kasama nito.

Magkaparehas ang halinghing ng lalaki sa kabilang linya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. P-panaginip lang siguro ito hano? Hindi naman siguro ito totoo? Tuluyan akong nanghina at naramdaman ang pagtulo ng aking luha sa mga mata ko. Ang panlalabo nito, nararamdaman ko rin ang pamamanhid ng buong katawan ko.

Hindi ko alam na ganito kasakit, ayos naman kami. Ayos naman lahat pero nakuha niya pa ring magloko, sinabi niya sa akin paulit paulit na kuntento siya sa akin. Pero bakit may ganito? Bakit nandito si Lyra?

Para akong nababaliw, tumingin ako sa paligid. Tumingin ako, madilim ang paligid.

"Congrats! Bf mo na pala si Riley?" tanong sa akin ni Ate Adelide. Ngumiti ako at tumango, bf ko na nga siya! Masaya ako kasi may bf na ako, mahal na mahal ko siya at hinding hindi ko siya sasayangin. Tumingin ako kay Riley na ngayon ay matamis ang ngiti sa akin habang nakahawak ang kamay niya sa akin.

Ang puno ng mangga ang nagsisilbing lilim namin, ngumiti ako habang hinaharana ng boyfriend ko. Ako ang unang nagkagusto sa kaniya, at ako yata lahat ang gumawa nuon para mahalin niya ako pabalik.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now