Chapter 19

28 2 0
                                    

Jealous



Nagulat ako, biglang umurong ang aking dila sa anarinig. I-inagaw niya si Adeline kay Riley? Kaya ba ganoon na lang ang pakikitungo ni Riley, pero mukha naman silang maayos? Balat lang ba 'yon? Hindi ba talaga sila ayos? Hindi sila okay?

Naiisip ko palang na nag-away sila noon dahil kay Adeline ay biglang nanikip ang dibdib ko, aaminin ko rin sa aking sarili. Nagseselos ako sa kaniya dahil doon, hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon na parang pinipiga ang puso ko.

"I'm sorry for that information, I'll promise... Y-you're my last, Navi." Sabay ngiti at napatango na lamang ako.

"Paano mo nagawa 'yon, Relius? May relasyon iyong tao?"

"Hindi ko rin alam, hindi ko rin alam bakit ko ginawa 'yon. I almost lost my temper to that boy, but I suddenly remember... h-hindi ako ang mahal at ang nauna niya," sabay tingin sa aking singkit na mata. Pumungay ito.

"H-hindi ako ang unang minahal niya pero sisiguraduhin ko siya na ang huli. Mamahalin niya rin ako," sagot nito sabay halik sa aking pisngi.

"Hindi mo sinabi sa akin ang mga ganon, bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry, sasabihin ko naman talaga eh..."

Tumango na lang ako. Nanatili naman kami sa ganoong posisyon at hindi ko alam nang sabihin niya iyon sa akin ay dapat may pait at hinanakit sa aking dibdib pero bakit parang ang gaan ng nararamdaman ko?

Nagpatuloy ang araw, hindi ko rin namamalayan. Hindi ko namamalayan na palagi kaming magkasama pero kapag nagkakahiwalay lang kami at may kailangan siyang puntahan ay gusto ko na siyang makita. Miss ko na agad siya.

"Oh, hija, Ang aga mo yatang nagising?"

"Nasaan po si Aurelius?" tanong ko sa kaniya.

"Nasa trabaho iyon panigurado, syempre. Hindi naman puro sarap, kailangan din niyang magtrabaho para kapag nabuntis ka niya meron ng pangsustento. Pero alam ko naman na kaya ka na niyang buhayin at wala na sa kaniya ang mag-anak ng isa lang, panigurado kulang pa sa kaniya ang sampu." Sabay ngisi at ngumuso na lamang ako.

Namula ng husto ang aking pisngi.

"Manang wala naman pong nangyayari sa amin eh..."

"Sus, hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwalang hindi ka na niya ginapang, maraming nagsasabi babaero 'yon, kaya hindi malabo."

"Manang naman!" sambit ko sabay nguso.

"Pero hija, nakita ko naman na nagbabago na siya. Kaya magtiwala ka sa kaniya, alam na alam ko apag nagbabago na ang lalaki sa kinagawian niya lalo pa't matagal ko na ring naalagaan ang ibang mga lalaki kagaya ni Sir Aurelius."

Tumango naman ako sabay subo sa bacon.

"Kumain ka ng vegetable salad, hinanda ko iyan para sa 'yo."

"Thanks po, Manang." Sabay ngiti. Kinain ko lahat 'yon at walang naitira kahit isang gulay, nagpasya na akong magpunta sa office niya.

"Duon pa rin po ba ang office niya sa pinuntahan ko nuon?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, hindi naman mahilig lumipat ng office pa 'yon. Naka-steady na."

"Gusto ko po siyang puntahan, maghahatid ako ng lunch sa kaniya at umagahan, ang aga niya po kasing pumunta kanina..." sambit ko sa kaniya at tumango tango naman ito. "Turuan niyo po akong magluto..."

"Naku, hindi ako makakatanggi diyan. Alam mong malakas ka sa akin..." sabay kindat niya sa akin at natawa ako dahil doon.

Malapit na ulit ang pasok, kaya susulitin ko na ang free time ko sa kaniya.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now