Chapter 10

41 0 0
                                    

Kwarto



"I'm already full..." sambit ko, feeling ko isusuka ko lang lahat ito kung ipipilit ko pang kumain nang marami, may kinuha si Relius sa kaniyang drawer at bumalik dala dala ang baso na may lamang tubig na may lamang tubig at may gamot.

Inilapag niya iyon at kinuha ko na lang at ininom.

"Matutulog na ako..."

"Magpahinga ka muna at magpababa ng kinain..." utos niya sa akin at tumango na lamang ako. Anong nakain niya't nandito siya ngayon? Bakit na naman at ano na namang gagawin niya?

"B-bakit ka nandito? May trabaho ka pa at alam kong nanduon na ang oras mo... ayos lang naman sa akin, Relius..." matamlay na sabi ko habang inuusisa niya ako. Nagtaas siya ng kilay sa akin at hindi na lamang ako pinansin.

"I'm just checking you," sagot niya sa akin at tumango na lamang ako, hindi na lang ako nag-abalang sumagot at aabutin ko na sana ang aking cellphone nang paningkitan ako ng kaniyang mapungay na mata.

"Hindi ka pa pwedeng magcellphone, nilalagnat ka pa..." bilin niya sa akin at hindi na lang ako nagcellphone as he said. Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa tuluyan na akong kinain ng antok, as in nakadukdok ako sa mesa.

Naramdaman ko na lang ang pagbuhat niya sa akin papuntang kwarto.

"Sir Relius, pasensya na't hindi ko kayang buhatin 'yang si Navi masakit na ang balakang ko at hindi ko na kayang bumuhat..."

"It's okay, Manang..."

Nang buksan niya ang pinto ay maingat niya akong dinala sa aking kama at inayos ako. Naramdaman ko rin ang paghipo niya sa aking noo para malaman kung mataas pa rin ang lagnat ko. Napabuntong hininga ito at nararamdaman kong naiinis na siya sa akin ngunit wala akong magawa.

Naramdaman ko na lang ang paghubad ng aking suot at palitan niya ako ng damit pangkomportable at bago iyon ay tumindig ang aking balahibo ng halikan niya ako sa pisngi. Did he gave a peck of kiss?!

"R-relius..." akma na itong tatalikod sa sobrang paghahallucinate ko na yata ay hindi ko na mapigilang umiyak.

"Idadala ko na siya sa hospital, Shienna... ang taas ng lagnat niya... n-natatakot na ako..." hindi ko naman inaasahang sasabihin niya iyon, sa dala ng antok ay unti unting bumigat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong pag-aalaga ang ginawa sa akin ni Relius.

Hindi ko alam kung paano rin ako nakapunta sa kwarto, nakasando na ako ngayon at nakacomportable clothes na, I don't have a bra too.sino ang nagbihis sa akin? Si Manang ba? Kinuha ko ang bimpo sa noo ko at bumaba ng kama.

Ngumuso ako at lumabas ng kwarto, nakita ko na agad si Relius duon, nakahawak ng kape habang sinisimsim ito.

"Manang, kayo po ba ang nagbihis sa akin?" tanong ko pa dahil nanduon na siya sa kusina at nagluluto na.

"Oh, Navi gising ka na pala... kung ako ang tatanungin hindi ako ang nagbihis sa 'yo... tanungin mo na lang si Sir Relius siya lang ang nahuli kong naghatid sa 'yo kagabi sa kwarto mo..." sagot niya sa akin at napakagat ako ng labi. Pinamulanan ako ng aking pisngi, he saw it! N-nakita niya lahat!

Pumunta na lang ako sa hapag nang mapagpasyahan kong kumain, naghanda na rin si Manang Cyntia sa amin ng makakain namin.

"R-relius... b-bakit ikaw ang nagpalit ng damit ko?" tanong ko sa kaniya. Ibinaba niya ang kaniyang kape at tumingin sa akin.

"Ano bang dapat kong gawin? Mamamatay ka na sa lamig, ni hindi mo na nga masambit ang pangalan ko..." sagot niya sa akin at nag-iwas na lang ako ng tingin.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now