Chapter 7

37 1 0
                                    

Rude



Tulala ako, hindi naman na ako naiiyak ngayon dahil heartbroken ako, pero magdadalawang linggo na hindi niya pa rin ako pinapansin. May mali ba sa akin? Am I too something for him? Mali bang pinupursue ko siya? Mali bang magkagusto sa kaniya? Am I too young for her? Masyadong madali?

Ang daming tanong sa utak ko, ano bang gagawin ko para mahalin niya ako? Ngumuso ako habang nagtitipa ng reply kay Shienna, katulad nga ng sinabi niya hindi ko siya dapat lapitan at... layuan ko siya.

"Ilang linggo ka nang nandyan sa condo mo ah?" tanong sa akin ni Shienna. "You look pale, dahil ba ito sa... pamamahiya sa 'yo ni Kuya?" tanong sa akin ni Shienna. Mas lalo akong nainis, nabubwisit ako na ewan.

"Mas kinampihan niya pa si Lyra kaysa sa akin, siya naman ang mali she push me..." paliwanag ko at tumango lamang ito.

"Yeah, ako rin nakita ko iyon..." sagot nito at tumango na lamang ako. Siguro nga childhood friend never die kaya ganun na lang ang pagmamamahal niya kay Lyra.

"Navi! Mabuti naman ay nandito ka!" sigaw ni Yasmin sa akin. Inaya nila akong magmall at mag arcade ewan ko ba kung para sa akin lahat iyon. Ngumuso ako at ngumiti, hindi naman na mawawala ang pag-aalala nila sa akin, tanga at bobo pa naman ako sa pag-ibig.

"Hindi mo ba nabalitaan kung sino ang ipapakasal kay Relius?" tanong sa akin ni Yasmin.

"Hindi ko nabalitaan, pero wala na siguro ako paki don..."

"Bakit sumuko ka na agad? Gumanti ka sa kaniya, kapag nahulog tyaka mo saktan para quits na kayo..." sagot ni Jenny at ngumuso ako.

"I don't want to hurt his feelings..."

"Napakabait mo kasi, ganun na nga ang ginagawa sa 'yo pinababayaan mo lang," sagot ni Ronaldo at umiling na lang ako at hindi na sila pinansin. Mabait ba talaga ako?

"Tulungan kita kay Kuya Relius," sambit ni Shienna at ngumiti ito na parang nanloloko lang. What's her trip now again? I smiled and then held her arms.

"Talaga?" ngumiti ako sa kaniya. Naalala kong bukas na kami uuwi ng probinsya, ipakikilala na nila si Relius sa akin kahit kilala ko naman na. Bukas pa naman 'yun kaya ayos lang sa akin. Ngumisi ito sa akin at natawa na lang kaming tatlo.

"Magwalwal muna tayo, Navi! Kakayari naman ng midterm natin!" sigaw ni Yasmin sa akin at natango na lang ako.

"Hindi pwedeng gabihin, pupunta pa kami ng province... nanduon ang mga Kuya ko..." sagot nito at tumango naman sila.

"Meron na bang girlfriend 'yung Kuya mo?" tanong ni Yasmin sa akin at natawa ako. Hindi ko sasabihin wala dahil parang inlove naman na sila, lalo si Kuya Augustus!

"Oo, meron ng mga girlfriend iyon taga province din..." sagot ko sa kanila at napakamot na lamang sila sa kanilang ulo. Nadismaya sa sinabi kong may girlfriend na nga ang mga Kuya ko.

"Sayang, pag-asa ko na sana iyon..." sagot ni Jenny at natawa na lang ako.

"As if papatulan ka ng mga 'yun, mga high class ang gusto nila..." umirap si Yasmin at mas lalong ininis si Jenny natawa na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, weekend naman ngayon kaya ayos lang kahit gabihin ako.

"Hahanapin ka ba ng pinsan mo?" tanong ni Shienna sa akin umiling lang ako.

"Hindi naman, walang paki sa akin iyon eh..." sagot ko sa kaniya na ikinatawa nila, natawa rin si Ronaldo sa akin kita ko pa ang dimple nito.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now