Chapter 32

29 1 0
                                    

Nakaw-halik



"Aalis ka ngayon?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti ito at hinalikan ako sa noo.

"Hmmm, yes. Tatlong araw lang naman ako sa Laguna, don't worry babalikan naman kita," nakangusong sambit nito at tumango na lamang ako.

"Mag-ingat ka pala..." pahabol ko pa.

"Why?"

"Uhm, balik ka ah..." sambit ko at hinalikan nito ang aking noo kasabay nuon ay ang pagyakap niya sa akin. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko ngayon, paano na lang ako ngayon? I know, pwede naman akong magtrabaho under Montelbano buildings.

Pero hindi kasi pwedeng maiwan si Elisia dahil siya na lang ang natitirang lakas ko, pinaliwanag ko rin kay Riley na ayaw kong maghire ng yaya dahil baka mamaya ay siya pa ang mas mapamahal sa kaniya. I hate that.

Nagpaalam narin siya kay Tita Daniela at sa aming anak at nagpaalam na ako, hinatid ko siya sa gate at tumitig siya ulit sa akin.

"I love you, Adeline..."

"I-I love you too, R-riley."

Nang matapos kong sabihin iyon ay sinarado niya na ang sasakyan at napanguso ako. Si Elisia na muna at ako. Hays, nakakaboring na naman dito dahil wala ang asawa ko. Tatalikod na sana ako ng mapasigaw ako ng nandito sa harapan ko ang nakakatandang kapatid niya.

Napalunok ako, ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang nakasandal sa hamba ng pinto.

"Uhm, wala po kayong trabaho ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Ipagluto mo ako ngayon, alam mo naman ang pinunta mo rito 'di ba?" seryosong sambit nito at napatango nalang ako. Ang alam ko kaya kami pumunta rito ay dahil sa pamilya niya para makita namin sila.

Weird niya kasi, parang ang init init ng mata niya sa akin.

"Ay anong gusto mong umagahan?" tanong ko sa kaniya at sumunod na ako sa kusina.

"Kahit ano na, basta masarap."

"Ha? Paano ko malalaman ang gusto mong pagkain kung ako ang bahala roon?" tanong ko sa kaniya at umirap na naman ito.

"Malalaman mo naman kung anong masarap pang-umagahan, bilisan mo at magtatrabaho pa rito, tulungan mo mga maids natin."

Napakamot ako ng ulo. Nasaan ba ang fiancee niya? Bakit hindi na lang siya ang ipagluto?

Nagluto ako ng omelet, pancake, waffle nachos, berry yogurt bowl. Iyon lang siguro kasi baka mamaya ay hindi niya gusto at masayang lang mga niluto ko, hinain ko na ito sa kaniya habang may ngiti.

"Alam mo? Favorite ni Riley iyong waffle nachos eh. Sabi niya sa akin ay palagi ko siyang ihahanda ng favorite niya." Kwento ko pa ngunit nanatili lamang itong kumakain. "Ano masarap ba iyan?" tanong ko at sinabayan na siya.

Masayang masaya ako dahil na nga rin komportable ako sa tabi niya.

"Why, you can't remember me?" mahinang seryosong boses niya.

"Ha?"

"Nevermind."

"Hindi talaga maaalala dahil hindi naman kita kilala eh!" magiliw na sagot ko sa kaniya at huminto ito sa pagnguya ng kaniyang pagkain. "Kilala mo ba 'yong babae kagabi? Wow! Ang ganda ganda niya, bagay na bagay kayo. Maganda at pogi."

"Navi..." tawag niya sa akin at nagkaroon ng kakaibang pakiramdam. Seryoso akong tumingin sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko, kaagad kong binawi iyon.

"Hindi Navi ang pangalan ok, matagal ko ng nakalimutan ang pangalang 'yon." Sagot ko sa kaniya.

"Gusto mong makilala kapatid mo?" tanong niya sa akin.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now