Heartbroken
Sabay kaming pumunta ni Jerald dito sa laguna kung saan kami magrereniunion. Nandito kami ngayon sa resthouse at nandito din sila Sol and Kuya Augustus. Nung una ay nagtaka ako dahil sa kakaibang mukha ni Kuya, kakaiba siya kaysa noon.
"Are you okay, Kuya?" tanong ko.
"Yes, bakit?" maaliwalas kasi ang kaniyang mukha at alam ko na kung sinong dahilan. Si Solidad na kaya 'yon?
"You like Hera hano?" tanong ko kay Kuya Augustus at kumunot ang kaniyang kilay. "Huwag ka nang magmaang-maangan diyan, kilala kita, Kuya... hindi mo 'yan nagawa kay Ate Kierra pero nagawa mo naman kay Hera," sagot ko rito.
"Anong sinasabi mo diyan?"
"Na you like Hera!" aminado akong gusto niya nga si Sol. Nagbago ang timpla ng mukha nito. "Bilisan mo na lang gumalaw, maagaw pa 'yan ni Jerald eh," sambit ko sabay taas ng kilay.
"Hindi ko gusto si Hera..."
"Sus, don't deny it Kuya halata ka na!"
"Paano mo naman nasabing gusto ko siya?" tanong niya sa akin at natawa na lamang ako. Iba kasi ang pakikitungo niya sa kaniya nuon.
"Nag-aalala kasa kaniya nung nagkaperiod siya eh, hindi ka naman ganyan kay Ate Kierra... aminin mo na kasi sa amin, wala namang makakaalan ah!" sagot ko sa kaniya.
"Gusto ko siya, no I mean... mahal ko siya..."
Pinigilan kong ngumiti, good for her. Hindi ko yata kayang makitang naging ganito kasaya si Kuya kay Sol, Sol is to good for him at alam ko lahat ng ugaling mayroon si Hera. Maboka siya pero in a good way, mas maboka ng kaunti si Lesha kumpara rito.
Speaking of Lesha, hindi ko na siya nakita nung nagdinner pa kami nuon? Hindi ko na kasi alam ang mukha niya ngayon.
"Alagaan mo na lang siya, and don't hurt her feelings, ako makakalaban mo..." sambit ko at natawa na lamang ito.
"I will, kahit hindi mo sabihin..." sambit nito at naalala ko si Jerald. I know malulungkot si Jerald kapag nalaman niya ito.
Pero mas nag-aalala ako kay Solidad, hindi ko kasi alam ang trip ni Kuya Augustus minsan, paano kung niloloko niya lang pala si Sol? Hindi ko kayang makitang nagkakaganon si Solidad, ayoko.
"But I'm warning you, matinik talaga sa babae si Kuya. Baka mamaya naman ay umiiyak ka na sa akin ha? And don't worry hindi ko sasabihin sa kahit sa sino kung ano mang namamagitan sa inyo," malumanay sa na sambit ko at ngumiti ito.
Babaero kasi si Kuya Augustus, and syempre nag-aalala lang ako sa kaniya. Ayokong makitang masasaktan siya dahil lang kay Kuya.
"Yuziel, first kiss ko si Sir Augustus," nakangusong sambit nito. Natawa ako dahil doon, My gosh! Ayos lang naman dahil dalaga naman na siya, pero si Kuya Augustus ang kumuha ng virginity ni Solidad.
"Hindi ba si Jerald? Normal lang 'yon ang ibig sabihin 'non ay dalaga ka na," sambit ko. Akala ko kasi ta;aga dahil palagi silang magkasama, hindi ko naman siya masisisi dahil mas gusto niya kasi talaga si Kuya. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa pinsan ko.
Siguro makakahanap iyon ng katulad ni Solidad, iyong tatanggapin siya ng buong buo at siya lang mamahalin, I will manifest his lovelife.
"Hindi ko naman siya gusto," bulong nito.
"You can say it. Aminin mo lahat ng nararamdaman mo sa kaniya, para hindi na umasa ang mokong na 'yon," bilin ko sabay ngiti.
Nahihirapan itong tumango, kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya ay talagang mahihirapan ako. Dalawang lalaki ang nag-aagawan sa kaniya, magand kasi talaga si Sol, she's too simple walang bahid na kaartehan na hindi katulad sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/345641256-288-k263601.jpg)
YOU ARE READING
To be married with (De Viola #3)
RomanceYuziel Navi Victoria, is a adopted of De Viola the wealthy family. She's rich, kind and beautiful nasa sa kaniya na ang lahat ng gugustuhin sa babae. She wants to be the best for her especially to her future husband. Aurelius Israel Montelbano, the...