Chapter 21

25 1 0
                                    

Chelsea and Jerald



"Ang bigat bigat mo kasi..." nilalagnat siya kaya talagang mapipilitan akong magbatay sa kaniya. Kaagad bumukas ang pinto at iniluwa nuon ang babaeng singkit. Hindi ko alam kung anong sadya niya.

"Navi, sino 'yan?" kunot noong tanong nito.

"I-I don't know too, sino ba 'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Ako na..." presinta nito sabay ngiti.

"Chelsea Quinn Heredia..." sambit nito sa akin at ngumiti ito sa akin. Tila nagpapakilala siya kaya inabot ko na ang kaniyang kamay, she's soft and mahinhin. Hindi ko rin alam kung paano nakilala ni Jerald ang babaeng ito at alam ko lang kasi ay ilap siya maliban kay Hera.

"Hindi kita kailangan dito," mapait na sabi ni Jerald.

"Mukhang kilala mo naman siya," sagot ko sa kaniya.

"Pwede ba, ayos lang ako..." malamig na sambit nito at napabuntong hininga na lamang ako. Anong problema niya at parang problema na yata ng buong mundo?

"Kaibigan mo ba siya?" tanong ko sa kanya at nahihiya naman itong tumango.

"Uhm oo, k-kaibigan ko siya..."

"Engineering student ka rin?" manghang tanong ko sa kaniya habang pinipiga niya ang hawak na bimpo dahil nilalagnat ang kumag. Hindi siya sumagot pero pagkaraan ng ilang minuto ay nahihiya itong umiling.

"Grade 11 palang po ako pero magb-BSA po ako sa college," lumipat ang tingin niya kay Aurelius at nagpapalit palit ang tingin. Hindi yata makapaniwala na magkasama kaming dalawa ni Aurelius.

"B-boyfriend mo si Aurelius? Iyong senior? Hello po..."

"Hello," casual na sagot nito at wala man lang kabuhay buhay.

"Matagal mo na bang kaibigan si Jerald?" manghang tanong ko at tumango ito habang namumula ang tenga niya. Ano naman kayang dahilan bakit siya namumula?

"Namumula ka, Chelsea."

"H-ha! H-hindi..." she said. Napangisi ako dahil duon, alam ko na at alam ko rin naman kasi talaga ang takbo ng utak niya. Gwapo si Jerald, hindi naman 'yan magiging crush sa buong campus sa ateneo kung hindi siya gwapo. Academic achiever pa nga eh.

"So, matagal mo ng kaibigan? May gusto ka sa cousin ko hano?" sabay ngisi.

"Pinsan mo po siya?" tanong niya sa akin at tumango ito.

"Yes, pinsan ko siya... by the way you're cute. Bagay sa 'yo ang highlight mo sa buhok mo lalo na't mahaba ang buhok mo," sagot ko sa kaniya. "Don't worry, kapag nagkagusto 'yan stick-to-one lang, ang kaso masyadong nabaliw kay Hera kaya ayan, nalasing."

Nag-iwas ito ng tingin.

"Iyong babaeng probinsyana po ba?" tanong niya at tumango ako.

"Kilala mo?"

"Kinukwento rin po ni Jerald sa akin..." sabay silay ng matamis na ngiti nito. Simple lang din ang mukha niya, walang kamake up make up kaya mas lalong gumanda, kahit naman siguro wala na 'yun maganda pa rin siya at ang magandang mukha niya, hindi siya mukhang haggard.

Nagising si Jerald, at ngumiti ako sa kaniya.

"Huy, alis na kami... may mag-aalaga na pala sa 'yo..." paalam ko. Nang makita ang nasa harap niya ay kaagad niyang tinabig ang kamay ng babae. Nagulat kami, pati si Chelsea nagulat din.

"Bakit ka nandito?" he coldly asked. Teka, bakit ganito na lang siya makipag-usap sa kaniya? Ang sungit ha!

"Ow, sinabi niya sa akin friend mo na siya eh... kaya palagay na ako..." sagot ko naman at sinamaan niya ng tingin ang babaeng iyon. "Bakit ganyan ka naman makatingin sa kaniya? Ang sama mo naman..."

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now