"Siya si Nonong, Valedictorian namin dati sa Vida High. University Scholar ng 100 percent at take note ha? bayad siya palagi ng University every month. Wow hindi ba? Soon to be number one sa buong distrito. Mahiyain pero ubod ng talino. Magaling sa Math, sa Chemistry at Physics, hataw mag-english parang Senador. Mani lang sa kaniya ang mga major subjects, laging highest. Walang kaibigan dahil sa kawirduhan. May sariling lugar at parang du'n na lamang niya iniikot ang mundo niya. Madalas pang napag-titripan ng mga estudyante at lalo na ng mga basketball varsity player dito sa West University. Tsk, tsk nakakaawa nga siya pero wala namang makatulong dahil sa may Inferiority Complex si Nonong. Hindi mo man lang nakitang taas-noo siyang naglalakad saan mang lupalop ng Campus. Madalas nakikita sa University Library para umiwas sa mga nanunukso sa kaniya. Pero hanggang Library eh sinusundan pa rin siya ng mga langaw na patuloy na nang-aasar sa kaniya. May moment pang hindi na siya pumasok ng University dala ng hindi na niya makayanan ang mga pinagagagawa ng mga tao sa kaniya. Kulang na lang eh mag bigti siya pero hindi niya ginawa, nangibabaw pa rin sa kaniya na kailangan niyang mabuhay para sa kaniyang mga magulang na bagkus hindi pinalad sa karangyaan ay nabiyayaan naman ng ubod na talinong anak kagaya ni Nonong." kwento ni Mildred, kaibigan ni Zen. Nang makita nilang dalawa sa canteen ang isolated na si Nonong, kumakain mag-isa at pinagtatawanan ng mga estudyante.
Pinagmamasdan ni Zen ang kaawa-awang si Nonong na nakayuko dahil sa sobrang kahihiyan sa maraming tao.
"What if girl lapitan mo iyang si Nonong at kaibiganin mo? Malay mo matulungan pa tayo niyan sa mga susunod nating mga exams. Ka-batch naman natin siya. Tulungan mo siyang mabuild ang confidence niya and eventually tinutulungan ka din niya pero dapat hindi niya malalaman para naman hindi ka niya layuan, and of course sa ganda mong iyan eh mag-iisip iyan na pinaglalaruan mo lang siya. Hindi ba?" pagpapaliwanag ni Mildred kay Zen habang masusing kinikilatis ang nasa kabilang lamesa na kinaroroonan ni Nonong.
"Eh teka bakit ako? Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa ng iniisip mo?" pagtanggi ni Zen.
"Eh naku naman girl matagal na akong nilalayuan niyan noh, since first day ng High school nuon eh nagkikita na kami niyan, pero ni hi ni ho wala akong narinig sa lalaking iyan." sagot ni Mildred.
Tinignan ni Zen ang kabuuan ni Nonong habang abala itong inuubos ang kaniyang pagkain. Sinuri niyang mabuti ang estrangherong kaniyang nakita sa loob ng canteen.
"Naka-salamin siya, pero may maganda siyang mga mata. Matangos ang ilong niya. Kayumanggi ang balat. Matangkad siya. May braces ang mga ngipin ngunit kulay
perlas ang mga ito." patuloy ang kaniyang pag-iisip habang pinagmamasdan si Nonong sa hindi kalayuan."Oy girl ang lalim yata ng iniisip mo? Hindi mo ba ma-take ang plano ko? Para sa atin naman ang mga ito. Kung magaling lang tayo sa Math, hindi na natin pag-aaksayahan ng panahon iyang si Nonong noh?" nasabi ni Mildred na halatang namimilit sa pagkakataong iyon.
Napasandal si Zen sa kaniyang upuan.
"Hayyyy.." buntong hininga niya.
Napatingin sa kaniya si Mildred.
"Ano? Kaya mo ba? Parehas lang naman kayong mag-gagamitan girl. Don't worry hindi naman iyon makakalabas kahit na kanino, I Promise!" nasabi ni Mildred habang masugid ang pangungumbinsi nito kay Zen dahil sa maka-ilang ulit na itong pinagalitan ng kaniyang mga magulang dahil sa mababang grades na nakukuha niya bawat taon.
Inikot-ikot niya ang kaniyang paningin. Bumuntong hininga siya. Sa tuwing makikita niya si Nonong ay hindi niya makuhang sumang-ayon sa kagustuhan ng kaniyang kaibigang si Mildred.
"Tandaan mo, parehas naman tayong lagot sa mga magulang natin dahil halos hindi natin nakukuha ang standards ng University na ito." pagpapatuloy ni Mildred.
"Huwag mo nga akong takutin ng ganiyan Mildred." pagsusungit ni Zen na mariing tinatanggihan ang plano ng kaniyang kaibigan."
"Sige na girl, malay mo pumasa na tayo this time." pagsusumamo ni Mildred.
"Basta ayoko, ayoko, ayoko. Period!" pagtanggi ni Zen.
"Girl naman, pwede pang pag-isipan?" sagot ni Mildred.
"Hay naku Mildred mas marami namang mga paraan, bakit kailangan pa nating gamitin si Nonong. Hayaan na natin siya sa kawirduhan niya." sagot ni Zen.
"Okay kung iyan ang gusto mo." nasabi na lamang ni Mildred.
Malapit ng maubos ni Nonong ang kaniyang pagkain ng biglang nagulat ang lahat sa tunog ng kalampagan ng pinggan at tray.
Napatayo sa gulat si Zen at Mildred.
Nakita nilang sinubsob ni Blake kasama ng iba pang mga player ng basket ball team, ang mukha ni Nonong sa platong kinakainan nito.
"Haahahaha.. You are awesome dude!" pagtatawa ng kaibigan ni Blake.
"Hahaha..'yan pa UMmm!! 'eto pa!" habang binubuhusan ni Blake ng juice ang polo shirt ni Nonong.
"Hahahahaha.." tawanan ng mga players na nakapalibot kay Nonong.
Walang nagawa ang ibang mga estudyanteng naroon sapagkat ayaw din nilang madamay pa sa mga rich kid na mga players ng University na iyon.
"Hindi ka nararapat dito sa school na ito dahil isa kang salot!" sigaw ni Blake isa sa pinakamakapangyarihang estudyante sa University na iyon.
Tumingin si Zen sa kaniyang paligid at halos pawang walang ginagawang aksyon ang mga estudyanteng nakakita sa nangyari.
Hindi umiimik si Nonong sa eksenang iyon. Nasanay na ito sa ganoong sitwasyon, gayunpaman may isang estudyante ang nag-react sa nasaksihang eksena sa canteen.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.