Ang Magdamag

43 1 0
                                    

"Arrrrayyyy!" Napaupo na sa sobrang sakit ng ulo at katawan si Blake. Ngayon niya lamang naramdaman ang mga iyon.

Tinignan niya si Zen na halos mukhang papatay na ng tao dahil sa kanilang mga naranasan ng araw na iyon.

" Ang kaniyang mahihigpit na yakap sa aking likuran nuong nasa motor pa lang kami.

..... ang kaniyang mga hampas sa aking mga braso.

......ang kaniyang mga mata ng magkatinginan kami ng Diretso.

.....ang kaniyang katawan na walang damit.

......ang kaniyang kagandahan..

....ang kaniyang..

....ahhhh Zenn. ..." bigla na lamang siyang nanghuhumaling sa kaniyang kasama. Animo'y isang Sumpa na biglang sumapol sa kaniyang kaluluwa.

Sinampal-sampal niya ang kaniyang sarili.

Binatok-batukan niya ang kaniyang ulo.

" Umphhh" pananakit niya sa kaniyang katawan.

" Umphhh isa pa!" Tuloy ni Blake.

Nawirduhan si Zen sa kaniyang nasasaksihan.

"Ano na naman ba? Nababaliw ka na yata?" Nasambit ni Zen.

Minabuti na niyang lisanin ang lugar na kung saan ay nagtuos sila upang maiwasan ang komosyon nilang dalawa.

Dumiretso siya sa kanilang silid, na paghahatian nilang dalawa.

Kama ni Blake ay nasa Kaliwa at ang kaniyang kama ay nasa kanan, malapit sa bintana.

Nakapagpalit na rin siya. Minabuti niyang lumabas at magpahangin saglit sa balkunahe ng cottage.

Mahangin at payapa ang paligid, marami din ang napansin niyang mga mag-asawa, bagong kasal at mga mag nobyo sa lugar.

" Honeymoon place?" Nasambit niya sa kaniyang sarili.

Maya't maya pa ay may dumating sa kanilang cottage.

" Tao po." Paumpisa ng matanda.

" Si - sinu po sila?" Sagot ni Zen.

" Ako ang misyunaryo. Kasama ko ang ibang mga miyembro ng Misyon sa gabing ito. Miss Fuentes? Mr. Andrews? Kayo po ba iyan?" Pagpapaliwanag ng Misyunaryo.

Binuksan ni Zen ang pinto.

" Tuloy po kayo."Sagot niya.

Dumiretso sila sa mga upuan na nasa balkunahe.

Tatlong matandang babae na siyang miyembro ng Misyon at si Father Lub ang Misyunaryo ng gabi na iyon.

" Iha. Paki tawag mo na ang iyong ka partner na si Mr. Andrews upang hindi tau masyadong gabihin." Paumpisa ni Father Lub.

Ginawa naman agad ni Zen ang utos nito.

Nang pumasok ng pinto si Zen ay hindi niya mahanap si Blake.

Pinuntahan niya ito sa kanilang silid.

Bukas ang pinto kung kaya't dali dali siyang pumasok.

Nakita niyang nakahiga si Blake sa kama nito ng naka-boxers shorts lang.

Iniwasan niyang Tumingin. Lumabas siya ng pintuan at Duo'y tinawag ng malakas ang pangalan ni Blake.

" SUROTTTT Bangon na! Andyan na ang mga misyunaryo! Bilisan mo!" Sigaw ni Zen sa labas ng kwarto.

Katok siya ng Katok.

Tok. Tok. Tok. Toktoktoktokkkkkk. ..

Inulit ulit niya ito ngunit ilang minuto din ang lumipas ay walang response na maririnig galing kay Blake na nakahiga pa rin sa kaniyang kama.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon