Ang Paghaharap

55 0 0
                                    

"Patay na si Dina. Ano ang kailangan ninyo sa kaniya?" Sagot ni Lola Ged.

" Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin Ged." Sagot ni Madame Viva.

" Hindi ko maintindihan ang gusto mong ipahiwatig." Nalilitong sagot ni Lola Ged.

" Si Dina ang nakaka-alam ng storya ng pamilya sa Mansion labing- siyam na taon na ang nakakalipas." Nasabi ni Madame Viva.

Lalong napaisip si Lola Ged sa narinig na iyon galing sa kaharap. Ninanais niyang magbigay ng kaniyang nalalaman ngunit malabo pa ito sa kaniyang memorya.

" Bibigyan kita ng sapat na oras upang alalahanin ang nakalipas." Sagot ni Madame Viva sabay talikod nito at naglakad na patungo sa kaniyang sasakyan.

Napatulala lamang si Lola Ged habang pinagmamasdan palayo ang babaeng kaniyang nakasalamuha.

Nang makasakay na si Madame Viva at ang mga kasama nito sa sasakyan ay ipinagpatuloy na lamang nito ang kaniyang nabiting pag-aayos ng mga balde na kaniyang ginagamit sa palengke.

" Ang mga mayayaman nga naman, may masabi lang. Hay Dina ano ba ang sinasabi ng babaeng iyon." Nasambit ni Lola Ged sa kaniyang sarili.

" Lola!" Tawag ni Nonong. Nakabalik na ito galing ng eskwelahan.

"Apo!" Masayang sinalubong ng matanda ang kaniyang apo.

Nagmano si Nonong.

" Bakit hindi po ninyo ako hinintay?" Tanong ng nag-aalalang si Nonong.

" Hay apo. Mag-aral ka na lang ng mabuti, hayaan mo na lang ang Lola sa ganitong hanap buhay. " nakangiting sagot ng matanda.

Napakamot si Nonong.

" Hindi po Lola. Dapat ko po kayong tulungan." Sagot ni Nonong.

" Ikaw talagang bata ka. Ha ha ha.. " Masayang tugon ng matanda.

" Teka.." pansin ng kaniyang Lola at lumingon-lingon sa kapaligiran.

" A-ano po iyon Lola?" Pagtatakang tanong ni Nonong sabay lumingon-lingon din sa kapaligiran.

" Eh.. nasaan si Zed." Tanong nito.

" Zen po Lola." Sagot ni Nonong.

" Oo, ang nobya mo. Bakit hindi mo siya kasama? Nag-break na ba kayo kaagad apo?" Sunod-sunod na tanong ni Lola Ged habang nakatingala sa matangkad na si Nonong.

Napangiti si Nonong at namula.

"Lola.. Hindi ko po nobya si Zen. At tsaka malayo pong mangyari iyon. Mayaman po siya at maganda." Sagot ni Nonong.

" Aba. Apo. Hindi sa yaman iyan tandaan mo, mayaman din tayo sa kagandahan ng kalooban." Nasabi nito.

Natahimik lamang si Nonong at pilit na pinapakalma ang sitwasyon. Naisip niyang hindi siya bibigyang pansin ni Zen gawa ng kanilang pamumuhay.

Napansin iyon ng matanda. Alam niyang nag-iisip ang kaniyang apo patungkol sa estado ng kanilang pamumuhay ngunit hindi duon nagtatapos ang kapalaran.

" Hala. Sige. Kailangang makita ko si Zen bukas dito sa bahay. Sabihin mong miss ko na siya." Giit ng matanda.

" Lola naman ehhh.." Nahihiyang sagot ni Nonong.

" Oh eh bakit apo? May problema ba?" Sagot nito na may matamis na ngiti.

" Wala po. Pero.." putol na sagot ni Nonong.

" Oh hayun naman pala." Sagot ni Lola Ged.

Napakamot ng husto si Nonong.

" Hindi po pwede bukas Lola." Sagot ni Nonong.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon